^

PSN Opinyon

PNP, babagsak dahil sa PO1, PO2 at PO3

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

NAGHIHINAGPIS ngayon ang mga taga-Bgy. 141, Bagong Barrio, Caloocan City sa sinapit ng kanilang menor-de-edad na ka-barangay matapos ang pamamaril ng tatlong lasing na bagitong pulis. Ganito ba ang natutuhang Rule of Engagement ng mga bagitong pulis ngayon? Di ba dapat ang kaligtasan muna ng mamamayan ang isaalang-alang bago sila magpaputok?

PNP Chief Director General Nicanor Bartolome, hindi mo dapat palampasin ang insidenteng ito dahil lalo lang bababa ang pagtingin ng sambayanan sa imahe ng PNP. Siyasatin muna ang pagkatao ng mga police applicant bago tanggapin sa PNP. Ipagbawal na rin ang pagpapautang ng mga lending institution sa mga bagong pulis. Dahil ito ang ugat kung bakit nagiging mabangis ang mga bagong pulis. Saan naman kukuha ng pangsuporta sa kanilang luho kung wala na silang sinasahod? Malinaw na mangingikil sila.

Hindi dapat balewalain ang nangyari sa Bagong Barrio. Kung patuloy na tatalikuran, tiyak magiging super bangis pa ang mga pulis sa hinaharap. Ang pamamaril ng tatlong baguhang pulis sa tatlong menor-de-edad ay tinatangis ngayon ng buong barangay sa Bagong Barrio.

Patay na nang idating si James Fritz Pagar, 17, fourth year sa Caloocan High School sa MCU hospital dahil sa tama ng bala sa sikmura. Nakaratay naman hanggang ngayon si Chris Ryan Garcia, 13, sa naturang hospital dahil sa mga tama ng bala sa kaliwang mata at kaliwang binti. Nasa critical condition naman si Mark Kevin Lintag sa Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center matapos barilin ng anim na beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa tiyuhin ni Fritz na si Jojo Pagar, dakong 8:30 ng gabi, masayang nag-iinuman sina PO1 Jeffrey Antonio ng Aviation security Group, PO1 Orlando de Leon ng Northern Police District at PO1 Jefferson Chua ng Pasay City Police sa Progreso Street nang mapansin nila na tumatakbo si Lintag na may bitbit na jungle bolo kaya sinita nila. Subalit mabilis na tumakbo si Lintag kaya pinagsalikupan ng tatlong pulis ang kalye at doon walang puknat na pinagbabaril.

Nagpapa-load naman sa kanyang cell phone si Fritz sa tindahan nang maganap ang pagpapaputok ng tatlong pulis. Nagtago si Fritz sa gilid ng tindahan ngunit napansin siya ng isa sa mga pulis. Nilapitan siya at binaril sa sikmura. Agad tumakas ang pulis. Bagama’t sumuko si PO1 De Leon matapos ang pamamaril. Pilit nitong pinagtatakpan ang kabuhungan ng kanyang mga kasamahan.

Abangan!

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN HIGH SCHOOL

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

CHRIS RYAN GARCIA

DE LEON

DR. JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

JAMES FRITZ PAGAR

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with