^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Marurusing na driver dapat nang kastiguhin

- The Philippine Star

NAKAUPO ka na ba sa likuran o kaya sa tabi ng jeepney driver? Kung hindi pa, huwag mo nang naisin pa sapagkat baka ka madismaya at isumpa ang pagsakay sa pampasaherong jeepney.

Paano’y karamihan sa driver ng pampasaherong sasakyan ay nanlilimahid ang suot at mukhang hindi naliligo. Bukod sa nanlilimahid at hindi naliligo, hindi na rin nagsusuklay ang mga driver kaya lalong nagmumukhang mabaho.

Kaya nga kawawa ang nasa likuran o kaya ay nasa tabi ng drayber sapagkat siya ang unang nakasasamyo ng “fresh putok”. Walang magawa ang pasahero kundi tiisin ang nasasamyo kaysa naman ma-late sa opisina o school. Pigilan na lang ang paghinga habang nasa loob ng jeepney at bus para hindi malanghap ang amoy.

Noong si Bayani Fernando pa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman, mahigpit niyang iniutos sa mga driver ng public utility vehicle (PUV) na magkaroon ng dress code. Kailangang nakasuot ng puti na T-shirt o di kaya’y light-blue ang mga driver. Kailangan din na naka-sapatos ang driver. Pinag-aksayahan ng panahon ni Fernando ang paglilibot sa Metro Manila at kinakausap ang mga driver ukol sa good grooming at hygiene. May isang pagkakataon na namahagi ng deodorant sa mga driver ng jeepney si Fernando. Nang maubos ang deodorant, tawas na ang kanyang ipinamigay.

Ngayon ay nawala na ang dress code at nanlilimahid ang mga driver. Umaalingasaw ang kanilang “fresh putok” sa matindi pa kaysa sumabog na Mt. Pinatubo.

Kaya isang grupo na hindi na makatiis sa mga marurusing na PUV driver ang umapela kay MMDA chairman Francis Tolentino na bigyang solusyon ang kanilang karaingan. Sabi ng National Council for Commuter Protection nararapat ipatupad ng MMDA ang tamang grooming sa mga driver. Ayon sa grupo, may mga driver na nakasando at shorts at naka-tsinelas lang. Mayroon anila na hindi na nga nagpapalit ng damit. Nakakasira ng umaga sa mga pasaherong bagong paligo at malinis ang suot pagkatapos ay masasamyo ang amoy-kilikili.

Ipatupad ng MMDA kung ano ang nasa regulasyon. Kailan pa didisiplinahin ang mga driver? Umpisahan na ang dress coding. Kastiguhin ang mga driver ng jeepney. Dapat silang sumunod sa batas.

BAYANI FERNANDO

COMMUTER PROTECTION

DRIVER

FERNANDO

FRANCIS TOLENTINO

KAYA

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with