^

PSN Opinyon

Aasenso na ang mga Capiznon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

ANG ka-uswagan sa probinsya sang Capiz nga madugay na ginahandom ara na subong sa Roxas City. Sa Tagalog: Ang pag-unlad ng Capiz na matagal nang pinapangarap ay nasa Roxas City na. Ito ay kung may political will si Mayor Angel Allan Celino para sa kanyang mga kasimanwa. Kasi nga, tanging ang Roxas City lamang ang may Central Bank of the Philippines building sa lahat ng lalawigan sa bansa. Lumalabas na may tiwala ang pamahalaang Aquino sa seguridad sa pananalapi at kayamanan ng Capiz kumpara sa dati nang maunlad na Iloilo City. Ang Central Bank ay kalapit lamang ng Roxas City Airport at Port of Culasi kaya madaling mai-transport ang financial budget ng Capiznon tungong Metro Manila. Sa madaling salita mapapabilis na ang pag-asenso ng mga Capiznon sa hinaharap. Magiging sentro na ang Roxas City ng komersiyo ng may 15 bayan dahil mabilis na ang pagluluwas ng mga kalakal sa Manila sa pamamagitan ng Super Shuttle RoRo na inilunsad ng Maritime Industry at Department of Transportation and Communication (DOTC) sa tulong ni Sec. Mar Roxas.

Kailangan lamang siguraduhin ni Celino ang peace and order upang maging ligtas ang investors para umunlad ang kalakalan. Maging ang mga lansangan ay kailangang kumpunihin ni Celino. Idagdag pa ang kawalan ng disiplina ng mga motorista particular na ang mga tricycle drayber na hindi sumusunod sa batas trapiko. Ang kawalan din ng disiplina sa kapaligiran ng Baybay Beach sa kahabaan ng Arnaldo Boulevard ang aking napuna. Nagkalat ang basura sa Baybay Beach kaya nandidiri ang mga naliligo. Gabi-gabi, may rambolan sa beach dahil walang pulis na nagpapatrulya.Wa epek din ang kautusan ni Celino laban sa paninigarilyo dahil ang mga kabataan ay nagyoyosi kahit saan.

Sa kabila nito, mataas ang aking pagtingin sa kakaya-han ni Celino dahil kahit kapiranggot ang income ng Roxas City, nakikitaan ng pag-asenso. Ngayong nagbukas na sa mga pasahero at cargo forwarders ang Super Shuttle RoRo na biyaheng Culasi, Roxas City to Batangas City via Odiongan, Romblon tiyak na dadami pa ang mga negosyante na aangkat ng seafoods sa Capiz. Malaking tulong din ito sa Culasi Vendors Association dahil sisigla ang kanilang pagtitinda ng pagkain at kakanin sa mga papaalis at paparating na pasahero. Noon ay dalawang kompanya ng barko ang nagbibiyahe sa Culasi patungong Manila, subalit nalugi dahil kulang ang suporta ng mga pulitiko sa pag-aayos ng mga kalsada at peace and order. Ngunit ngayong may regular na biyahe ng RoRo, tiyak na manunumbalik muli ang sigla ng kalakalan. Iyan ay kung pag-iibayuhin pa ni Celino ang kasipagan para sa kanyang mga kasimanwa. Abangan! 

ANG CENTRAL BANK

ARNALDO BOULEVARD

BAYBAY BEACH

CAPIZ

CELINO

CITY

ROXAS

ROXAS CITY

SUPER SHUTTLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with