^

PSN Opinyon

'Souvenir' galing Leyte

- Tony Calvento - The Philippine Star

SIYA ANG TAGA-BANTAY pero siya ang nasalisihan. Kabalintunaan nga naman ang buhay! Kung sino pa ang karpintero, sila ang walang bahay. Ang nagsasaka, sila ang walang maihaing kanin sa mesa.

Sa kaso ng 29 na taong gulang na si Crisostomo “Cris” Despair, siya itong guwardya ngunit sariling asawa ay ’di nabantayan.

Guwardiya sa Capitol Subdivision sa Pasig si Cris.

Limang taon na ang nakakalipas, sa lugar ding ito niya nakilala si Nenita.

Buwan ng Abril 2007, isang ordinaryong 6am-6pm ‘duty’ lang ito para kay Cris. Palingap-lingap siya habang umiinom ng kape nang may magdaang isang babae sa ‘gate’  ng ‘subdivision’.

Naiba ang tama ng kape nung magkatinginan sila ng babae na tuwing madadaan ay may bitbit na bayong na plastik. Halos araw-araw ito lumuwa-sumuba sa ‘gate’.

Hanggang isang beses nang madaan ito ulit, nagkalakas na ng loob si Cris batiin ito.

“Miss! Saan po ‘street’ n’yo?”, papansin na sita ni Cris.

“Araw-araw akong dumadaan dito hindi mo pa ba ako namumukhaan!?”, nakaismid na sagot sa kanya.

“Oo nga eh, ang dalas mo na ngang nadadaan dito hindi ko pa alam ’yung pangalan mo,” mala-‘Boy pick-up’ na linya ni Cris.

“Ako si Nenita,” yamot na sagot sa kanya.

“Baka pwede na ring mahingi yung cellphone number mo. Kunin mo na rin yung sa’kin para kung may emergency alam n’yo ang tatawagan. May nakawan kasi nung nakaraan. Baka kung ano eh… ang ganda mo pa naman,” palusot na banat ni Cris. Sandaling nag-isip si Nenita ngunit ibinigay din.

Nagkapalitan na ng numero ang dalawa. Nalaman ni Cris na namamasukang kasambahay si Nenita sa isa sa mga bahay sa ‘subdivision’.

Wala namang naging ‘emergency’, kundi ang walang mintis na pa­litan ng ‘text’ ng dalawa. Dito na nagningas ang kanilang ma­alab na pagtitinginan. Pagkaraan ng isang buwan ay naging mag-‘boyfriend’sila.

Kung magiging tunay na usok ang maiinit na tagpo ng kanilang pagtatalik, ’di malayong tumunog ang ‘fire alarm’ sa mga ‘motel’ na kanilang pinupuntahan. Apat na taon silang naging mag-‘boyfriend’ hanggang sa mag-‘live-in’.

Nobyembre 18, 2010 ipinanganak ni Nenita ang panganay nila ni Cris na si “Tey” (hindi tunay na pangalan).

Madalas banggitin ni Nenita na gusto niyang bumisita sa kanyang probinsya. Isang araw nagpaalam ito kay Cris na makapagbakasyon.

Pumayag naman siya dahil matagal na rin itong ’di nauuwi.

Abril 20, 2011 inihatid ni Cris sa sakayan ng barko pauwing Leyte ang kanyang mag-ina.

Natapos ang dalawang linggo, inasahan ni Cris ang pagbalik ng kanyang pamilya. Nakatanggap siya ng tawag na hindi pa raw sila makakauwi dala ng bagyong Bebeng. Walang masasakyang barko pabalik ng Maynila.

Natapos ang bagyo, tinawagan ni Cris si Nenita para malaman kung kailan sila makakauwi. Sagot ni Nenita ay mahirap daw umano bumiyahe nang walang kasama. Sasabay na lang raw siya sa kanyang kapatid sa susunod na linggo sa pagluwas ng Maynila.

Sumunod na linggo kinontak niya ulit ito. Nagpadala siya ng perang pamasahe para makauwi na sila. Hindi magkaintindihan sa cellphone ang dalawa. Dinig na dinig ni Cris ang kumakanta ng “Halik” sa videoke. Ayon umano kay Nenita ay ‘birthday celebration’ daw ng kanyang pinsan.

Tinanong agad ni Cris kung nasaan si “Tey”. Iniwan muna raw ito sa kanyang nanay.

Buwan ang inabot hanggang Nobyembre 18, 2011 unang ka­arawan ni Tey. Nananabik siya sa kanyang anak kaya tinawagan niya ito. Naiyak siya nang marinig niya nang tawagin siya ni Tey na “Papa.”

Kinausap niya si Nenita at sinabihan na mula sa ipinadala niyang limang libong piso ibinili ng regalo si Tey.

Dumaan ang Pasko, hindi pa rin sila umuwi. Napikon na si Cris at nagbitiw ng salita, “Binibigyan na lang kita ng isang buwan para bumalik dito, ’pag di mo ko sinunod bahala ka na.”

Pagkaraan ng siyam na buwan, January 12, 2012 napilitan ding bumalik si Nenita.

Mayo, 2012 napupuna ni Cris na sobra ang tinaba ni Nenita lalo ang tiyan nito. Naligayahan siya dahil maaaring buntis ang kinakasama. Gusto na sana niyang magka-‘junior’. Para masigurado’y binigyan niya ito ng pampa-‘check-up’. Pagkatapos ng check-up, kuwento ni Nenita ay dalawang buwan na siyang buntis.

June 4, 2012 alas-kwatro ng umaga habang nasa ‘duty’ si Cris nagulat siya nang matanggap ang tawag ng hipag. Nanganak na raw si Nenita.

Habang patungo sa paanakan, nagroroleta sa isip ni Cris ang mga buwan sa kalendaryo. Panay ang kwenta niya. Binibilang na mabuti ang petsa kung kailan umalis, nawala at bumalik ang kinakasama.

Naisip ni Cris, kung buntis na ito bago umuwi ng Leyte, dapat ay October 2011 pa lang ay nanganak na ito. Kung nabuntis naman nung bumalik nitong Enero, bakit June pa lang ay lumabas na ang bata? Pagkakita niya sa bata, ibang ‘lukso’ ng damdamin ang kanyang naramdaman.

Hanggang ngayon, hindi tukoy ni Cris kung sino ang totoong ama ng bata. Malakas ang pakiramdam niya na nagbalik na naman ang pagtingin ni Nenita sa ‘ex-boyfriend’ nitong taga-Leyte. Ang nais niya ay hiwalayan at makuha ang anak sa ‘taksil’ na kinakasama.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kwentong ito ni Cris.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, binanggit namin kay Cris na itinuturing na ‘common-law-wife’ niya ang ‘live-in partner’ na si Nenita. Nangangahulugang ang anak ni Nenita ay pinapalagay na anak niya rin. Gustong ituloy ni Cris ang balak na kunin ang panganay na si “Tey”.

Pinayuhan namin siya na magsampa ng ‘Petition for Custody’ para mapunta sa kanya si “Tey”. Kapag napatunayang ‘unfit mother’ si Nenita dulot ng umano’y pagkakabuntis nito sa ibang lalaki, maaring tanggalin sa kanya ng korte ang pangangalaga ng bata.

“The welfare of the child is the primary concern of the state.” Hindi magandang lumaki ang isang bata sa pangangalaga ng isang ina na kung kani-kaninong lalaki pumapatol at nagkaka-anak. Kung totoong ngang hindi anak ni Cris ang bata. Malalaman lang ito sa pamamagitan ng isang DNA test. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)

Sa gustong dumulog, ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maaari rin kayo magpunta sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email: [email protected]

vuukle comment

CRIS

LSQUO

NENITA

SIYA

TEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with