^

PSN Opinyon

Panawagan sa local officials ng Capiz

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

ANG pag-uswag (pag-unlad) ng Capiz ay nakasalalay sa mga kuko ng pulitiko, iyan ang aking napansin nang ako’y magbakasyon doon. Kasi nga itong Capiz ay may 16 na bayan na kinabibilangan ng Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar, Ma-ayon, Cuartero, Dumalag, Tapaz, Jamindan, Dao, Sigma, Mambusao, Sapi-an at Roxas City. Mayaman sa natural resources ang Capiz dahil dito nanggagaling ang mga pang-export na sugpo, alimango, suwahe, talaba at bangus kayat tinagurian itong Seafood Capital of the Philippines.

Malawak din ang sugarcane plantation sa lalawigan kaya dati-rati umano iniluluwas din ang produktong wash sugar at refined sugar sa merkado sa buong daigdig. Hindi matatawaran sa ngayon ang Ethanol na isinusuplay sa ating bansa na galing sa basura ng tubo (sugar cane). Tunay na nakalilibang ang maglibot sa mga lalawigan ng Capiz dahil ang kanilang coastal town katulad ng Panay, Pontevedra at Sapi-an ay napapaligiran ng punong (fish pond). Ang mga bulubunduking bayan naman ng Capiz na kinabibilangan ng Ma-ayon, Pilar, Presdent Roxas, Pontevedra, Cuartero, Dumalag, Sigma, Ivisan at Dao ay sagana sa sugarcane plantation at nagtataasang Mahogany tree.

Tunay na nature lover ang mga Capiznon kaya pina-ngangalagaan nila ang kanilang bukirin. Noon ay tinanghal na 2nd rice producers of the Philippines ang bayan ng Panay dahil sagana ang ani ng palay. Ang bayan ng Pilar naman ay sagana sa isda dahil napapaligiran ito ng baybaying dagat at katunayan dito umano nanggagaling ang mga similya ng bangus, alimango, at sugpo. Masigla rin ang komersiyo ng Roxas City dahil dito inaangkat ang lahat ng mga kagamitan sa pagbubukid at pandagat na galing Maynila.

Nakalilibang din ang maglunoy at kumain ng sariwang seafood’s sa may Barangay Baybay sa kahabaan ng Arnaldo Boulevard. Nakakaaliw din ang malawak na bilaran ng daing sa Dumalog na nasa paanan ng Roxas City Airport.

Hindi rin pahuhuli sa edukasyon ang Capiz sa mga makabagong pagtuturo sa mga University. Iyan ang mga lihim ng Capiz na hindi nalalaman ng mga Manileños sa ngayon. Ngunit may napuna ako na dapat na tutukan ng mga ambisyosong pulitiko ng Capiz. Una na rito sa mga seafood producers dahil mukhang kulang na kulang ang suporta ng mga local na opisyales ng lalawigan matapos na magsara ang export processing kung kaya maraming fishpond owners ang nalulugi.

Nabawasan na rin ang sugar plantation kaya mara-ming sakada ang nawalan ng hanapbuhay at karamihan sa kanila sa ngayon ay nagbabakasakali sa Maynila. Maraming taniman ng palay ang ginawang subdivision kaya malamang ilang taon na lang at magugutom ang mga Capiznon. Talamak na rin ang dynamite fishing sa bayan ng Pilar kaya halos wala nang mahuling isda ang mga mangingisda. Kailan kaya kikilos ang mga local official ng Capiz. Abangan!

vuukle comment

ARNALDO BOULEVARD

BARANGAY BAYBAY

CAPIZ

CAPIZNON

CUARTERO

DUMALAG

PANAY

PONTEVEDRA

ROXAS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with