^

PSN Opinyon

Mahathir Mohamad at ang Malaysia

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

NAGSALITA noong Lunes si dating Prime Minister Mahathir Mohamad sa University of Santo Tomas, kung saan siya’y pinarangalan bilang honorary professor ng pinaka-matandang unibersidad sa bansa. At mag-iisip ka rin sa kanyang mga sinabi. Na ang demokrasya ay magiging epektibo lamang kung alam ng mamamayan ang mga limitasyon nito. Sa ma­daling salita, hindi puwedeng lubusang demokrasya o ka­layaan, kung saan ang mamamayan ang “boss”. Dapat may huling salita rin ang gobyerno, na siyang binoto naman ng mamamayan para mamuno sa kanila.

Para sa mga militante, sigurado masakit sa kanilang mga taynga ang mga salita ni Mahathir. Dahil alam naman natin na pagkontra sa gobyerno ang pakay at tungkulin nila! At dahil na rin siguro sa kanilang pananaw na si Mahathir ay isa ring diktador, walang pinagkaiba kay Marcos. Sa totoo nga, halos parehong panahon sila namuno sa kanilang mga bansa. Inabot din ng higit dalawang dekada ng pamumuno ni Mahathir sa Malaysia.

Pero mahirap ding kontrahin ang mga sinasabi ni Mahathir, dahil tingnan naman natin ang Malaysia ngayon. Maunlad, mayaman, laging may progreso. Ang kanilang pera ay hindi nalalayo sa dolyar ng Amerika, dahil malakas ang kanilang ekonomiya. Kung ginaya kaya ni Marcos ang pamumuno ni Mahathir, malayo na rin kaya ang nararating ng Pilipinas katulad ng Malaysia!

Ayon kay Mahathir, may mga panahon at sitwasyon na kailangan gobyerno na ang masusunod, at hindi palagi ang mamamayan. Kundi walang mangyayari dahil puro protesta na lang ang gagawin, na kailangang kontrolin din ng gobyerno. Habang ginagawa ito, walang progresong nagaganap. May katotohanan din naman ang kanyang mga salita, dahil na rin sa naganap sa kanyang sariling bansa at karanasan. Mahirap kontrahin ang tagumpay, ika nga. Balanse siguro ang kanyang gustong sabihin. Hindi puwedeng lubusang nasa gobyerno ang kapangyarihan, katulad ni Marcos, at hindi rin pwedeng lubusang nasa mamamayan dahil walang mangyayari. Parang manok na pinugutan na ng ulo! Takbo na lang nang takbo!

Kung sa bagay, naka-ilang people power na rin ang bansa, pero tila wala pa ring tayong nararating sa mga tuntunin ng kaunlaran at progreso. Malayo pa tayo sa mga kalapit bansa na muunlad katulad ng Malaysia, Singapore at Hong Kong. Siguro ang kailangan talaga ay isang matalino at makataru­ngang pinuno, para maging gabay ng bansa at ng mamamayan, patungo sa kaunlaran. At para naman sa mamamayan, hindi rin pwede yung kontra na lang ng kontra, dahil lamang sa pulitika at pananaw. Dito pumapalpak ang demokrasya, sa tingin ko.

Sabi nga sa pelikulang “Godfather”, kailangan lahat ng ating mga bangka ay iisa ang patutunguhan. Pero dapat may kapitan pa rin, di ba? 

AMERIKA

DAHIL

HONG KONG

MAHATHIR

MAMAMAYAN

PERO

PRIME MINISTER MAHATHIR MOHAMAD

RIN

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with