Magbayad na kayo - NAIA Customs

DAHIL sa decision making sa 2nd Motion for Reconsideration na ibinasura matapos kainin este mali maghain pala ang Board of Airlines sa Supreme Court kaya naman natutuwa sa galak ang may 400 NAIA customs employees na dapat na silang bayaran ng airlines sa kanilang transportation at meals expenses nila sa kanilang overtime services.

Sabi nga, final and executory na ito.

Kaya naman ‘happy’ ang mga taga - NAIA customs dahil sa nangyari.

Sabi nga, instant millionaire sila!

Abangan. Hilaw pa si Biazon sa Senado

MAS kailangan si BOC Commissioner Ruffy Biazon sa aduana kaysa sa Senado ito ang nakikita ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil kung ipipilit ng gobierno itong patakbuhin ay baka kumain lang daw siya ng alikabok?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hilaw pa si Ruffy para makakuha ng isang senate seat. Sa aduana ay hinog na hinog na ito hindi siya puedeng gawin ‘tanga’ ng mga sindikato dito kasi nga amoy na niya ang takbuhan ng kagaguhan sa bureau.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas kaila­ngan si Ruffy sa aduana para makatulong ng husto sa ginagawang pagbabago para sa ‘tuwid na daan’ ni P. Noy kailangan maayos ang mga gusot, nakawan, smuggling at makuha ang target revenue collection para sa ikabubuti ng gobierno.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas may ‘bayag’ si Ruffy kaysa ibang naging Customs Commissioner dahil unti-unti na nitong nawawasak ang operasyon ng mga sindikato dito kasabwat ang mga bugok niyang mga tauhan.

Isa pang dapat busisiin ni Ruffy sa bureau ang 2000 container vans na naglahong parang bula noon panahon ni Lito Alvarez ang sinibak na BOC Commissioner.

‘Kailangan itong busisiin para malaman kung sinu-sino ang patong sa nawalang multi-billion taxes sa government of the Philippines my Philippines’ sabi ng kuwagong hikain.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat din pag-ukulan ng pansin ng gobierno ni P. Noy ang mga bataan ni Mike Arroyo na nagpayaman sa bureau noon kapanahunan ng asawa nito sa Malacañang. Tama ba, Boy Morales?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami ang mga nag-resign sa bureau ng mapaso unti-unti ang grupo ni Mike dahil baka sila maimbestigahan sa ginawa nilang mga kalokohan.

‘Dapat silang maimbestigahan ng gobierno ni P. Noy para lumabas ang mga kagaguhan pinaggagawa ng mga kamoteng ito noon nagpapasasa sila ng panahon ni Gloria’.

Abangan.

Kim Tae Dong investigation nalusaw

MUKHANG alaws nangyari sa investigation na isinagawa para busisiin ng special panel ng itinatag ng DOJ para kalkalin ang pagkamatay este mali pagkawala pala ni Kim Tae Dong, isang Korean national na tumakas kapalit pitsa habang ito ay ‘under hospital arrest.’

Dahil sa pangyayaring ito ay naggagalaiti sa galit ang Korean government sa gobierno ng Philippines my Philippines dahil sa ginawang pagpuga ni Kim Tae Dong sa kanyang mga guardia sibil sa ospital.

Inurirat ng special investigation panel ng DOJ ang mga pinaghihinalaang kasabwat ni Kim Tae Dong sa pagtakas nito pero up to now ay mukhang na ‘drawing’ ang sinasabing ‘oplan kalkal.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang pagtakas ni Kim Tae Dong ay dapat managot ang mga kamoteng opisyal sa Bureau of Immigration dahil sa ‘command responsibilities.’ Tama ba, Jerome Gabionza?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang may malaking halaga ng pitsa ang pinagulong para makapuga si Kim Tae Dong.

‘Ano kaya ang masasabi ng Korean Embassy sa pangyayaring ito?’ Tanong ng kuwagong binukulan.

‘Siguro dapat tanungin sina Commissioner David, Atty. Mangrobang, Associate Commissioner Mison sa pangyayari,’ sabi ng kuwagong nautakan.

‘Sino kaya ang masasabit na opisyal sa Immigration?’

‘Siguro iyong mga maliliit lamang ang madadali at iyong mga nakinabang ng malaki ay nakangiti lamang sa mangyayari.’

Abangan.

Show comments