^

PSN Opinyon

Editoryal - Palayain sa kamangmangan

- The Philippine Star

IPINAGDIRIWANG ngayon ang ika-114 anibersar­yo ng kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kas- tila. Mahabang panahon na ang nakalilipas mula nang iwagayway ni Gen. Emilio Aguinaldo ang watawat sa balkonahe ng kanyang bahay sa Kawit, Cavite. Habang iwinawagayway ang watawat, ina­awit naman ang Pambansang Awit na nagpapatotoong nagsasarili na nga ang bansang sinakop ng mga Kastila sa loob ng 400 taon.

Pero ang pagkakalaya sa mananakop ay hindi naman naging ganap sapagkat nanatili pa ring nakakulong ang nakararaming Pilipino. Sa nakaraang 114 na taon, marami pa rin ang hindi nakalalaya sa kahirapan ng buhay at mas lalo na sa kamangmangan. Maraming Pilipino hanggang sa kasalukuyan ang hindi marunong bumasa, sumulat at magbilang. Nasa panahon na ng computer subalit marami pa ring mga nasa liblib na lugar ng Pilipinas ang uhaw na uhaw sa edukasyon. Nakakaawa ang kalagayan na maraming Pinoy ang napag-iiwanan sa paghanap ng karunungan.

Nang magbukas ang public school noong Hunyo 4, lumutang ang maraming problema at unang-una na rito ang kakulangan sa mga eskuwelahan. Sa unang araw ng pasukan, sa lobby ng school nag-conduct ng klase. Ang bilang ng mga estudyante sa isang classroom ay tinatayang nasa 60. Paano matututo ang mga estudyante kung siksikan sa isang kuwarto?

Maganda sana ang programa ng Department of Education (DepEd) sa inilunsad na K to 12 (kindergarten to Grade 12) pero sa tingin namin ay minadali. Ni walang kahandaan ang mga guro at wala pang mga gagamiting textbook. Ang agarang implementasyon ng K to 12 ang naiisip naming dahilan kaya nagkaroon ng grabeng kakulangan sa classroom.

Nararapat lakihan ang budget para sa edukasyon nang malayang maipatupad ang pag-educate sa mga Pilipino. Ibuhos ang lahat nang makakaya para mapaganda, mapahusay at mapabilis ang pagkakaloob ng edukasyon sa nakararaming mangmang na Pilipino. Magpagawa ng mga silid-aralan, mag-hire ng mga mahuhusay na guro, mag-invest sa mga modernong kagamitan gaya ng computers upang mahikayat ang mga Pinoy na mag-aral.

Kapag ang lahat ng Pilipino ay nakapag-aral, dito magsisimula ang pag-unlad. Wala nang maghihirap sapagkat lahat ay may nalalaman kung paano patatakbuhin ang buhay.

CAVITE

DEPARTMENT OF EDUCATION

EMILIO AGUINALDO

HABANG

MARAMING PILIPINO

PAMBANSANG AWIT

PILIPINAS

PILIPINO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with