Hang your gloves Bro. Pacquiao
KAHIT sa aklat ng Ecclesiastes, sinasabi ni Haring So- lomon na may panahon para sa lahat ng bagay. Ganyan talaga ang buhay. May panahon ng tagumpay at may panahon ng pagkatalo. At kung may mangyaring hindi masarap sa ating panlasa, laging may magandang layon ang Dios.
By split decision, natalo ni Timothy Bradley ang ating world boxing icon na si Manny Pacquiao. Bagamat maraming naniniwalang hindi nakakakumbinsi ang panalo ni Bradley, naniniwala akong panahon na para magretiro si Pacquiao.
Sapat na ang karangalang naihatid niya sa bansa. Marami na siyang napatunayan na isa siyang pandaigdig na kampeon sa larangan ng boxing. Pinasok niya ang larangan ng politika at nagtagumpay din siya nang manalong Representante ng Sarangani.
And it seems ironic na kung kailan pa siya nagkaroon ng tunay na relasyon sa Panginoong Dios ay doon pa siya natalo. Sa tingin ko may mensahe sa kanya ang Panginoong Dios: Hindi magkatugma ang isang bayolenteng laro tulad ng boxing para sa isang Kristiyano.
Ang mga madugong laro na may halong sakitan ay may pagan origin at hindi nagtataguyod sa diwa ng pagmamahalan.Kaya dalangin ko, huwag sanang makadiskaril sa pananampalataya ni Pacquiao ang kanyang pagkatalo.
Matapos matalo sa kanyang kalaban, narinig kong kinapanayam ng isang newsman si Pacquiao na nagpakita naman ng sportsmanship sa kanyang pagkatalo. Aniya, iginagalang niya ang desisyon ng mga hurado bagamat naniniwala siyang siya ang tunay na nagwagi. Iyan din ang tingin ng marami nating kababayan na nagmamahal sa kanya. Para sa lahat ng Pilipino, kasama na ang manunulat na ito, si Pacquiao pa rin ang tunay na kampeon.
- Latest
- Trending