^

PSN Opinyon

Ang epekto sa akin ng Stem Cell Therapy (Huling Bahagi)

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - The Philippine Star

PAGKATAPOS akong mabigyan ng Stem Cell Therapy, sinabi sa akin ng mga doctor sa Villa Medica na unti-unti o da-han-dahan ang pag-epek­to nito. Pero mayroon din naman daw pasyente na pagkaraang mainik-siyuan ng Stem Cell ay na­karamdam agad ng vitality at maliksing pagkilos. Meron naman na nakaranas ng bahagyang panghihina. Umeepekto ang Stem Cell makalipas ang tatlo hanggang apat na buwan. Bubuti ang kalusugan, magiging maliksi at mag-iincrease ang supply ng dugo sa balat. Ganunman ang tagumpay ng Stem Cell Therapy ay nakasalalay din sa estilo ng pamumuhay, diet at kapaligiran. Ipinaalala rin sa akin ng mga doctor sa Villa Medica na hindi dapat ulitin ang treatment sa loob ng anim o siyam na buwan.

Nang bumalik ako sa Pi­lipinas, mayroon agad ma­gandang epekto sa aking katawan ang Stem Cell Therapy. Makalipas ang isa at kalahating buwan mula nang sumailalim ako sa treatment, bumalik sa normal ang aking blood pressure, cholesterol, blood sugar, creatinuine at uric acid.

Ang aking kutis ay na-ging pino at pakiramdam ko, sumigla at bumata ako.

Labing-isang taon na ang nakararaan, na-stroke ako at nang maka-recover tumanggi ako na sumalalim sa anumang physical rehabilitation. Ang resulta, napilay ang kaliwa kong paa. Nahirapan akong lumakad. Kapag nakahakbang ako ng three feet, tumitigil ako.

Ngayon malayo na ang aking nalalakad.

Siyanga pala, noong ako ay nasa Villa Medica sa Frankfurt, Germany, nakilala ko ang mag-asa­wang Thai. Ang lalaki ay mukhang 40 years old at ang babae ay 25. Pagkatapos naming magkuwentuhan, nalaman kong 80 years old ang lalaki at 62 ang babae.

Kung mayroon ka-yong katanungan sa   Stem Cell Therapy, ta­wagan si Joey Santos sa cell phone number 09178986564. Si Joey ang Philippine Coordinator ng Villa Medica.

* * *

Nagpakuha kami ng retrato habang nasa Villa Medica, Frankfurt, Germany. Kasama ko (kaliwa-pakanan) si Villa Medica Director Prof. Dr. Geoffrey Hurtgem, ang   aking maybahay na si Yvonne Elicaño, ako at si Joey Santos, coordinator sa Pilipinas ng Villa Medica.

AKO

DR. GEOFFREY HURTGEM

JOEY SANTOS

PHILIPPINE COORDINATOR

SI JOEY

STEM CELL

STEM CELL THERAPY

VILLA MEDICA

VILLA MEDICA DIRECTOR PROF

YVONNE ELICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with