^

PSN Opinyon

Corpus Christi

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - The Philippine Star

NGAYON ang kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo   ni Hesus na sa bawa’t pagdiriwang ng Banal na Hapag o Misa ay ating pinagsasaluhan bilang pagkain ng ating buhay.

Maging sa mga Hebreo ay ipinahayag na: “Hindi dugo ng mga kambing at bisirong baka ang Kanyang dalang handog, kundi ang sariling dugo, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin”. Kaya sa pag-aalay ni Hesus ng Kanyang buhay para sa atin ay higit na di hamak ang nagawa ng Kanyang dugo na sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay nilinis ang ating puso at isipan habang tayo ay naglilingkod sa Diyos na buhay.

Ayon sa Salmo 116: “Mahal ko ang Panginoon pagka’t ako’y dinirinig.” Kaya’t sa ating pakikipag-ugnayan sa Diyos ay lubusan nating sabihin sa Kanya ang ating mga kailangan lalung-lalo na’t malinis ang ating kalooban. Dapat tayong maging malinis sa ating pagdalo sa Banal na Handaan upang mapakinabangan natin si Hesus na pagkain ng ating buhay. Ibig sabihin bago tayo kumain sa banal na hapag ay magsisi muna tayo sa ating mga kasalanan. Habang pinagsasaluhan natin ang Katawan at Dugo ni Hesus ay nagaganap ang Kanyang pangako: “I will always be with you.” Ito ang kaganapan ng ating pakiki-pagkaisa kay Hesus. Ang pagkain natin kay Hesus ay ang ating pagsamba sa Kanya dito sa lupa at sa langit na tunay na bayan.

Ang ating pakikisalo sa hapag ng Panginoon ay nagsimula sa Huling Hapunan kaugnay sa pista ng tinapay na walang lebadura at nang katayin ang tupang pampaskuwa. Kaya habang tayo ay kumakain ng Kanyang katawan at umiinom ng Kanyang dugo ay lubusan ang ating kapatawaran at kaligtasan. Kaya ito ang katanungan bago tayo makinabang o kumain sa hapag kainan, tayo ba ay malinis ang puso at isipan? 

Ex 24:3-8; Salmo 116; Heb 9:11-15 at Mk 14:12-16, 22-26

ATING

DIYOS

DUGO

ESPIRITU SANTO

HESUS

HULING HAPUNAN

KANYA

KANYANG

KATAWAN

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with