Ping at Kiko, bagay sa Cabinet ni P-Noy

BINALITA ni President Benigno “Noynoy” Aquino III ang plano niyang imbitahin sa Cabinet ang dalawang “reti-ring” senators na pinaniniwalaan niyang makakatu-   long sa kanyang administrasyon.  

Habang nasa London, sinabi ni P-Noy na aalukin niya sina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ng posisyon sa kanyang Cabinet pagkatapos ng termino nila sa 2013. 

Agad namang dumami ang haka-haka kung saan ila­la­gay ang dalawang masasabi kong magagaling na senador. 

Si Ping na nakilala ng lahat sa pagdidisiplina at pag-aalis ng corruption sa Philippine National Police noong siya pa ang PNP chief ay dapat sa Department of Interior and Local Government (DILG) ilagay kung saan naniniwala akong madali niyang maibabalik ang respeto ng sambayanan sa pulisya. Dagdag pa rito ang reputas­yon na kaya niyang banggain ang sinumang baluktot. Nakikini-kinita ko ang pagtino ng maraming baluktot na governor at mayor. 

Si Kiko naman ay maaaring Agriculture Secretary na ipapalit raw kay Sec. Proceso Alcala na kailangang tumakbo sa Quezon province upang matiyak na hindi mapunta sa kamay ni Cong. Danny Suarez ang lalawigan. 

Puwede rin si Kiko sa Department of Justice dahil abogado siya. 

Ang dalawang senador na ito ay malaki ang maitutu-long sa administrasyon ni P-Noy sa paglilinis ng corruption.  

Walang bahid ng corruption ang dalawang senador

 na ito at sayang lamang kung dahil sa term limits   ay magreretiro na lang sila sa public service. 

Hindi maikakaila na sa oras na ito ay kailangan    ni P-Noy ng lahat ng tulong upang tuluyang puksain ang corruption. 

* * *

 Para sa anumang re-    aksyon o suhestiyon text e mail sa nixonkua@ymail.com  

Show comments