^

PSN Opinyon

Mabagal ang DPWH

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

PATULOY na ang pag-unlad ng Roxas City, Capiz. Walang patid ang construction na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways sa mga lansangan at tulay doon. Ang masakit, usad-pagong ang paggawa sa mga ito dahil hanggang sa ngayon ay makalumang sistema pa rin ang pinaiiral ng DPWH. Kaya tuloy hindi mawala sa agam-agam ng mga residente roon na may halong pulitika ang mga proyekto. Katulad na lamang ng Agbalo Bridge na malapit sa Pontevedra Town Hall na mahigit apat na taon nang kinukumpuni pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos.

Sa tingin ko, lalong lalaki ang gastos sa Agbalo Bridge nang magkanda-baluktot ang mga bakal matapos hampasin ng mga inanod na kahoy at kawayan noong March 29. Lalong ikinainis ng taumbayan nang abandunahin ng construction workers ang Agbalo bridge at gibain ang Cabugao Bridge sa Panay na pumutol sa connection road sa Roxas City. Kaya ang lahat ng transportation ay sa Sublangon Road ang daan o kayay sa Barrio Bailan. Sobra-sobra yata ang pondo na inilaan ni President Noynoy Aquino sa mga kababayan ni DOTC sec. Mar Roxas kaya hindi pa man natatapos ang isang proyekto ay tinutungkab na naman ang ilang kalsada. Nagpapasikat kaya si P-Noy sa mga Capiznon upang maisulong ang kandidatura ni Roxas sa darating na May 2013 election? 

Kasi nga, hindi pa natatapos ang pagkumpuni ng Agbalo at Cabugao Bridge, sinimulan na ring tungkabin ang Sublangon Road at Isagani Road na pangunahing kalye ng Pontevedra na nag-uugnay patungong Roxas City, Iloilo City, Kalibo, Aklan at Antique. Ewan ko lang kung pinag-aralan ito ng Regional director ng DPWH bago nila sirain o kumpunihin ang mga kalye. Kaya tuloy ang pinagbubuntunan ng sisi rito ay si Pontevedra mayor Steve Contreras. Ngunit sa aking pagka­kaalam ang lahat ng ka­paraanan sa ikauunlad ng Pontevedra ay isinusulong ni Contreras para mapa­unlad ang kabuhayan ng kanyang mga kasimanwa (kababayan). Isinusulong din ni Contreras ang Clean and Green Project sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punongkahoy sa gilid ng kalye subalit talagang may katigasan ang ilan nating kababayan dahil ang kanilang mga basura ay itinatapon sa ilog kahit na araw-araw na umiikot sa paghakot ang garbage truck. Mga suki ko sa Pontevedra, konting disiplina naman upang maiwasan ang pagbaha.

Abangan!

AGBALO

AGBALO BRIDGE

BARRIO BAILAN

CABUGAO BRIDGE

CLEAN AND GREEN PROJECT

KAYA

PONTEVEDRA

ROXAS CITY

SUBLANGON ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with