^

PSN Opinyon

'Modus sa kalye'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

PINAG-IINGAT ng BITAG ang lahat lalo na ngayong pagbubukas ng klase…

Kasabay ng pagbubukas ng klase sa mga eskwelahan, naglipana na naman ang iba’t-ibang uring modus sa kalsada…

Mapa-bangketa, terminal ng bus, jeep, MRT at LRT walang pinapalampas na lugar ang mga dorobong mi­yembro ng mga sindikatong modus.Pangunahing biktima ng mga sindikatong modus na ito ay mga estudyanteng nasa high school o kolehiyo na madaling magantso.

Ilan lamang sa mga modus na nakaabang ng susunod na mabibiktima sa mga pampasaherong bus at jeep ang ‘Dura Gang’, ‘Barya Gang’at ‘Ipit Gang’.

Estilo ng mga dorobong ito na lansiin at kunin ang atensyon ng pobreng biktima sa pamamagitan ng paglalagay ng dura sa damit, paghuhulog ng barya o pang-iipit…

Segundo lamang ang kinakailangan ng mga dorobong ito para makuha ang celphone o wallet sakaling matagumpay na makuha ang atensyon ng biktima.

Tip ng mga otoridad para makaiwas sa modus na ito, maging alerto at huwag basta-basta magtitiwala sa mga taong hindi kilala.

Sakaling makaiwas sa mga modus sa loob ng mga Public Utility Vehicles, mga naglipanang modus sa bangketa naman tulad ng ‘Alahas’, ‘Sinturon’ at ‘Lighter Gang’ ang susunod na dapat iwasan ng publiko.

Karaniwan sa mga bangketa ng Cubao, Recto at Baclaran matatagpuan ang mga grupo ng dorobong ito.

Estilo ng modus ng mga grupong ito ang doble karang presyo ng produktong kanilang ibinebenta.

Oras na hawakan o isukat ng pobreng biktima ang produktong kanilang ibinebenta, agad na lolobo ang presyo nito ng mahigit singkuwenta porsyento.

Para hindi mabiktima ng modus na ito, iwasang tumingin ng mga gamit na hindi naman kailangan lalong-lalo na sa bangketa.

Subalit ang pinaka-mainit sa mata ng BITAG ay ang modus ng notoryus na ‘Chess Gang’ na makailang ulit nang nasampolan sa Cubao, Quezon City at Kalaw, Maynila.

Panoorin kung paano makaiwas sa modus ng ‘Chess Gang’ at iba pang mga nag­lipanang modus ngayong Biyern­es sa BITAG, alas Onse y Medya ng gabi sa TV5.

vuukle comment

BARYA GANG

CHESS GANG

CUBAO

DURA GANG

ESTILO

IPIT GANG

LSQUO

MODUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with