Paano ini-inject ang Stem Cell Therapy? (Ikalawang bahagi)
AKO mismo ay nagpa-inject ng Stem Cell Therapy. Sinubukan ko kung gaano ang epekto nito sa aking kalusugan. Madalas kong marinig ang tungkol sa Stem Cell Therapy sa nakaraang limang buwan. Mahusay daw ito. Marami na raw sikat na tao ang gumaling, lumusog at lumakas at bumata dahil sa Stem Cell Therapy.
Hindi agad ako naniniwala sa mga sabi-sabi lang kaya minabuti kong subukan para malaman ang katotohanan.
Nagtungo ako sa Frankfurt, Germany, kasama ang aking maybahay na si Yvonne at bayaw na si Dr. John Nite para doon magpa-inject ng Stem Cell. Sa Villa Medica isasagawa ang Stem Cell Therapy. Pero bago pa ang pagtungo sa Germany, marami na akong papeles na pinirmahan at sinagutan. Nagpa-blood chemistry ako para malaman ang blood sugar, lipid profile, diabetes panel, hormone panel, PSA etc. Nag-fill out ako ng form kung saan ay sinabi ko ang lahat ng aking sakit. Lahat ng ito ay ipinadala ko sa Germany bago nagtungo roon. Rerebyuhin ang mga iyon ng doctor doon at kapag nakita nilang hindi makikinabang sa Stem Cell ang pasyente, agad na ia-advise na huwag nang magtungo roon.
Pumasa ako sa examination kaya nang dumating kami sa Germany agad akong sumailalim sa detoxification treatment. Ito ay para ma-improve ang katawan sa paglalagay ng Stem Cell. Kinabukasan, sumailalim ako sa tinatawag na oxygen or ozone therapy.
Hanggang sa bigyan na ako ng Stem Cell. Labindalawang injections malapit sa aking puwit ang binigay sa akin. Hindi masakit ang in-jections na tumagal lamang ng 20 seconds.
Next week, ilalahad ko ang mga naramdamang pagbabago sa aking katawan dahil sa Stem Cell Therapy. Sa iba pang katanungan ukol sa Stem Cell Therapy, tawagan si Joey Santos sa 09178986564. Si Joey ang coordinator ng Villa Medica at iba pang Stem Cell The-rapy Clinic sa Germany.
- Latest
- Trending