^

PSN Opinyon

Massacre

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

May eksena sa paborito kong pelikula – the Last Samurai na pinagbidahan nina Tom Cruise at Ken Watanabe – kung saan sumusugod ang nalalabing mga marangal na Samurai ng Japan, tangan lamang ang tradisyonal na armas tulad ng katana sword at bows & arrows, laban sa bagong military na gamit ang bagong imbento na gatling gun o machine gun. Huhulaan pa ba ang resulta ng ganitong laban?

Nang mapawi ang usok, siempre massacre. Ano pa ba ang maaring kahinatnan kapag hindi patas ang laban? Puwersa ng pribadong tao laban sa puwersa ng pamahalaan. Indibidwal laban sa Estado. Kahinaan at kawalan laban sa lakas at kapangyarihan.

Ang leksyon ng kasaysayan ay kapag ang ganitong kapangyarihan ay hinayaang mamayani sa kamay ng namamahala, siguradong aabusuhin at ang mamamayan ay walang kalaban laban. Ilang kaharian at diktadurya na ang nagdaan kung saan nakawawa ang maliit na tao sa kamay ng abuso ng pamahalaan. Maski sa mga demokrasya, gaano man katapat ang intensyon ng namamahala, kapag hindi binigyang proteksyon ang karaniwang mamamayan, walang kasiguruhang marerespeto ang kanyang karapatan sa mukha ng higanteng puwersa ng pamahalaan.

Kaya’t sa sarili nating demokrasya, siniguro na merong Bill of Rights sa ating Saligang Batas. Ito ang talaan ng mga limitasyon sa kapangyarihan ng pamahalaan – mga hindi maaring gawin kapag mamamayan ang kalaban. Ang mga nilalaman ng Bill of Rights ay siniguro nating insulado sa pulitika nang sa ganoon ay hindi ito maaring balewalain kahit sino pa man ang nasa mayorya at may hawak ng kapangyarihan, ano mang panahon.

Napakahalaga ng mga proteksyong ito na oras nila­bag ng pamahalaan, itinakda rin ng Saligang Batas na anumang pakinabang na maaring makuha ng gobyerno ay hindi rin maaring magamit sa kapahamakan ng tao na ang karapatan ay nilabag. Maaring mahirap ito tanggapin lalo na kapag ito’y napatunayan ngang nagkasala. Subalit ito ang tanging paraan upang pangatawanan ang karapatan ng mamamayan.

Mamayani ang batas kahit hindi sa lahat ng panahon ay naaayon ito sa nais ng nakararami. Ito ang Rule of Law.

ANO

BILL OF RIGHTS

KEN WATANABE

LABAN

LAST SAMURAI

RULE OF LAW

SALIGANG BATAS

TOM CRUISE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with