Masuerte ang mga taga-kyusi kay Joy
ANG kalusugan ng mga mahihirap sa Kyusi ang number 1 inaalagaan ni QC Vice Mayor Joy Go Belmonte.
Bakit?
Dahil may 3,000 taga-Kyusi ang nabiyayaan ng Health Caravan Program ni Joy this month kaya naman tuwang-tuwa sa galak ang mga ito dahil nalibre sila hindi lang sa gamot kundi maging sa libreng serbisyo ng bloodletting/blood typing, eye screening, papsmear, breast exam, chest x-ray, massage, blood pressure at iba pa ay naipatupad ng tanggapan ni Belmonte sa tulong ng Philippine Blood center, Borough Medical Center, Phil Cancer Society, QC Institute at QC Skills and Livelihood Center.
Abangan.
Patay sa COA, COA lumusob sa Mla.City Hall
NAKAPA ng COA na may mga “ghost employee’ daw ang mga nagpapanggap na sulsultan este mali consultant pala , researcher at casual employee sa ilalim ng tanggapan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno at ibang city councilors.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mg kuwago ng ORA MISMO, nabuko sila ng dehins nila kinuha ang kanilang mga salary sa tanggapan ng Manila City Treasurer at nabuking pa na alaws silang mga Personal Data Sheet sa personnel department.
Sabi nga, patay Naku ha! Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, P3.8 million ang sahod para sa mga sinasabing ‘ghost employees’ ang sueldo ay para sa month of April 1 to May 15, ang hindi kinuha sa Treasurer’s Office.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nabuko ang ‘ghost employees’ ng atasan ni Manila Mayor Fred Lim, na personal na kunin na sa kaha ang kanilang mga sahod at bago ibigay ito ay dapat may mga identification card muna silang ipakita para malaman kung ligitimate employees sila ng cityhall bago nila ma-gets ang kanilang pitsa.
Nabuking ito ng biglaan bumisita ang COA representatives sa office ni kinatawan ng COA tired este mali retired pala Col. Redencion Caimbon, director ng personnel dept., kasunod ng ginawang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang konsehal ng QC na namemintina ng ghost employees.
Sa report ni Caimbon sa COA, siyam na konsehal lamang ang nakapagsumite ng mga kaukulang dokumento kaugnay sa mga hinirang nilang consultant at researcher na kinabibilangan nina Councilors Ramon Morales, Bimbo Quintos, Rod Lacsamana, Josie Siscar, Nino dela Cruz, Joey Uy, Eunice Castro, Bobby Lim at Lou Veloso.
Sabi nga, paano iyong iba?
Sa kabuuan sinabi ni City treasurer Marissa de Guzman, na may kabuuang 790 casual at 408 researcher ang OVM at city councils.
Napag-alaman na tumatanggap ng may P11.3 million cash advance ang OVM at council kada buwan P7.5 milyon ang napupunta sa casual employee, habang ang P3.8 million ay sa researchers at consultants. Abangan.
- Latest
- Trending