^

PSN Opinyon

Kahalagahan ng CCTV camera

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGSAYANG lang ng laway ang Philippine National Police (PNP) sa panawagan nila sa mga business establishments, hindi lang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa, na magpakabit ng CCTV cameras. Paano maniniwala ang mga negosyante kung ang mismong CCTV cameras na ikinabit noon ni dating NCRPO chief Dir. Boysie Rosales ay hindi na nila pinapagana. Sino ang gaganahan na suportahan ang panawagan ng PNP sa CCTV kung may masamang halimbawa silang nakikita? Kung itong CCTV na programa ni Rosales ay itinuloy ng mga sumunod sa kanya, tiyak malaki na ang kabawasan ng kriminalidad sa bansa. Kung ang mga kausap kong negosyante sa Binondo, Manila ang tatanungin, hindi na sila magdadagdag ng CCTV units nila dahil sayang lang ang pera.

Noong panahon ni Rosales, madali niyang nakumbinsi ang mga negosyante na magpakabit ng CCTV camera para rin naman sa seguridad nila. Lalong ginanahan sila nang magpagawa ng building si Rosales kung saan pinuno niya ng 42 units na 40-inches TV. Ang building ay tinawag na Regional Tactical Intelligence and Operations Center (RTOIC) na ginastahan ni Rosales ng halos aabot sa P3 milion. Mayroong 18 air-condition units and building para hindi masira ang mga kagamitan doon. Ang lahat ng CCTV cameras ng police districts ng NCRPO at iba pang police stations ay nakakabit sa RTOIC kaya mabilis ang responde ng mga pulis sa kaganapang krimen. Nakakabit din sa RTOIC ang CCTV cameras ng mga local government units kaya’t malawak ang coverage ng RTOIC. Subalit nang ma-relieve si Rosales sa NCRPO, eh nawalan ng balita ukol sa RTOIC. Maging ang mga pulis na nakausap ko ay naghihinayang sa programa ni Rosales. Nanghihinayang din ang mga negosyante sa Binondo.

Sa totoo lang, laway lang ang capital ni Rosales nang itayo ang RTOIC. Kinausap ni Rosales, ang IT companies, mga Koreano at NGO’s. Tulung-tulong silang naglagak ng pondo para maipatupad ito. Nagtitiwala at naniniwala kasi sila sa liderato ni Rosales. Kaya nang gumagana na ang CCTV cameras, maraming krimen ang nalulutas ng NCRPO. Subalit nang mawala sa sirkulasyon ang RTOIC, pati mobile cars na may global positioning system (GPS), ay tumaas na naman ang krimen sa Metro Manila. Araw-araw, laman ng balita sa diyaryo, TV at radio ay patayan, holdapan at iba ang krimen su-balit kung si Deputy Director Gen. Emil Sarmiento, ang tatanungin, bumaba ang krimen sa bansa. Baka ang nakukolekta ni Molly Acuña na mataas na lingguhang intelihensiya sa mga gambling lords, at beerhouse owners ay gagamitin ni Sarmiento para ipagpatuloy ang ope­ration ng RTOIC? Isama na ni Bartolome ang kinita ng shootfest nya sa Tarlac, kung saan nag-solicit din siya sa gambling lords at beerhouse owners.

Ibalik ang operation ng RTOIC para masugpo ang kriminalidad sa Metro Manila, yan ang panawagan ng sambayanan.

 Abangan!

BINONDO

BOYSIE ROSALES

CCTV

DEPUTY DIRECTOR GEN

EMIL SARMIENTO

KUNG

METRO MANILA

ROSALES

RTOIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with