TOMORROW, (May 23) sa ganap na ala-1:30pm ay ihahatid na ang labi ni Augosto sa libingan dyan sa Naujan Municipal Cemetery, Mindoro Oriental matapos itong kunin ni Lord last Saturday.
Sabi ni Atty. Silverio ‘Biyong’ Garing, 1st cousin ng nasawi na hinihiling na lamang nito sa mga kapamilya, kapuso, mga kamag-anak at kaibigan na ipagdasal na lamang kay Lord si Augosto.
Sabi nga, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
Amen!
Starex buyer naguyo ng Hyundai Otis
HALOS buhusan ng kumukulong kumunoy si Edgar Ong ng magsumbong ang pobreng alindahaw sa ginawa daw kasinungalingan ng binilhan niyang brand new color blue diamond, Grand CRDI Starex GLS mt-105 manual vehicle (diesel) worth P1.5 million sa Micah Motors Inc.,Hyundai Otis dyan sa 1535 PM Guazon St., Otis, Paco, Manila, last November 22, 2011.
Bida ni Edgar sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami siyang sasakyan ginagamit pero medyo may kalakasan sila sa krudo kaya naman nag-isip siya kung anong brand new vehicle para maiba naman at makatipid ito sa gastos sa mataas na presyo ng petrolyo nangyayari sa Philippines my Philippines.
Kuento ni Edgar sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakausap daw niya sina Glenn at Resty sa nasabing company at ito daw ang nagkumbinsi sa kanya na bumili ng Starex CRDI manual vehicle dahil sa sasakyan ito ay matipid daw siya sa krudo at hanep pa ang performance dahil 10 to 12 kilometers per liter ang city driving a 12 to 14 kilometers per liter ang highway driving.
Sabi nga, matipid nga!
Kaya ayon kay Edgar dahil convincing ang mga sinabi sa kanya ay nag-down na siya noon Oct. ng P5,000 reservation fee at nakuha naman niya ang sasakyan noon November.
Sabi pa ni Edgar, kaya niya pinili ang manual kaysa sa automatic ay para mas matipid at ang Starex ay gagamitin niya hindi sa long drive o highway driving kundi city driving lang para sa kanyang family.
Ito na ngayon ang delubyo na nadiskubre ni Edgar dahil ang Hyundai Starex na brand new na binili after several weeks o alaws pang dalawang buwan na gamit niya ito ay nadiskubre niya na 5.8 per kilometer o halos alaws pang 6 kilometers per liter ang kinukunsumo niya.
Sabi nga, naasar na!
Inireklamo ni Edgar sa kanyang binilhan ang sasakyan pero pinaikut-ikot siya dito hanggang sinulatan niya ang Hyundai Asia Resources, Inc. (HARI), dyan sa 10 to 12 floor KPMG Center, 6787 Ayala Ave., Makati City para iparating ang kanyang malungkot na karanasan sa nabili niyang brandnew CRDI Starex.
Ano ang nangyari?
Sabi nga, paikut-ikot.
Ika nga, gawa dito, gawa doon pero hindi satisfied ang buyer sa pangyayari dahil malakas pa rin sa krudo ang kanyang CRDI Hyundai Starex.
Ano ang ginawa ni Edgar?
Sa buwisit nito ipinarating niya ang kanyang reklamo sa Department of Trade and Industry para magawan ng solution ang kanyang iniiyak.
Sabi ni Edgar sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masiado siyang pinaikot at naubos ang kanyang panahon kaya naman gusto na niyang mangyari na ibalik ang malakas sa krudong Hyundai Starex CRDI o isauli ang kanyang pera.
Abangan.