“HUMAYO kayo sa sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita”. Ito ang dakilang tagabulin ni Hesus sa lahat ng mga sumasampalataya sa Kanya. Kaya’t mula noon hanggang ngayon ay lumalaganap pa ang Kanyang pangangaral sa buong daigdig, ang Kristiyanismo, maliban sa lupang sinilangan ni Hesus, ang Israel.
Masasabi natin na ang Kristiyanismo sa Pilipinas ang nagpapatuloy sa pagtupad ng tagubilin ni Hesus: “Humayo kayo”. Ating banghayin ang lahat ng mga nanga-ngaral ng Mabuting Balita sa buong daigdig at maliwanag sa lahat na pawang Kapwa Pilipino natin ang nakararami. At sa buong Kristiyanismo, ang nangunguna pa rin ay tayong mga Katoliko.
Maging sa Canada at Amerika ay pawang mga Katolikong pari at madre, relihiyoso o diyosesano ang laganap, maging sa mga religious group at iba’t ibang organisasyong Katoliko ay mga Pilipino pa rin ang nangunguna. Kahima’t tayo ay niyuyurakan ang ating pagkatao na pawang alila o katulong sa ibang bansa ay tayo pa rin ang nagdadala sa kanila ng Mabuting Balita. Pasukin natin ang mga malala-king barko sa buong daigdig at pawang mga Pilipino ang may dalang Bibliya, dasalan, rosaryo at babasahing Kristiyano. Kaya sa sinulat ni Lukas sa ebanghelyo ng Panginoon at mga Gawa ng mga Apostol ay masasabi kong ipinahahayag ito sa ating mga Pilipino: Teofilo (ebanghelyo) at Mahal na Teofilo (Gawa). Ang salitang latin na Theus Philos ay nangangahulugan: Mapagmahal sa Diyos.
Sinabi ni Hesus: “Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo … di magtatagal ay bibinyagan kayo ng Espiritu Santo”. Kaya sa ating lahat ay pawang Espiritu Santo ang gumagabay at nagpapaliwanag. At sa kabila ng mga pagsubok sa ating mga kababa-yan na naghihirap sa kanilang mga trabaho sa ibang bansa ay ating ipanalangin na huwag silang mawawalan ng pag-asa. Maging si Pablo ay nagpapaalaala sa atin: “Mga kapatid, pagkalooban niya kayo ng Espiritu ng karunungan at tunay na pagkakilala sa kanya”.
Gawa 1:1-11; Salmo 47; Efesos1:17-23 at Marcos16:15-20