'Ano po ba ang Fresh Cell Theraphy?'
Dr. Elicaño, madalas ko pong marinig at mabasa ngayon ang tungkol sa Fresh Cell Therapy pero hindi ko ganap na maintindihan. Galing daw po ito sa tupa at kapag nilagay sa tao ay humahaba ang buhay. Pakipaliwanag naman ang tungkol dito.” - —JOHN CARMONA, Pinamalayan, Oriental Mindoro
Ang Fresh Cell Therapy ay nadebelop ng Swiss surgeon na si Dr. Paul Neihans noong 1931. Inooperahan niya ang isang pasyente na may karamdaman sa thyroid gland. Napinsala ang parathyroid gland ng pasyente. Nasa kritikal na kalagayan ang pasyente at nagkokumbulsiyon.
Agad nagprepara si Dr. Neihans ng parathyroid cells na kinuha sa bisirong baka at ini-inject sa gland ng pas-yente. Ang pag-inject ng Fresh Cell ay hindi nagkaroon ng anumang reaksiyon at naging successful. Ayon sa record, nabuhay pa nang mahigit 25 taon ang pasyente ni Dr. Neihans.
Tinatawag ding biological therapy, ang proseso ay ang kinabibilangan ng pagkuha ng fresh cells mula sa hayop, karaniwang fetal sheep, ini-inject ito sa katawan para sa treatment ng kung anu-anong sakit at para rin mapabagal ang pagtanda. Ang paraang ito na paggamit ng living tissues ay para magawang muli o mabuhay ang mga matatandang tissues.
Sa paraang ito umano nati-treat ang mga sakit.
Marami nang nabigyan ng fresh cells si Dr. Neihans sa buong mundo sa loob ng 30 taon. Kabilang sa mga nabigyan ng Fresh Cell Therapy sina Pope Pius XX, South African President Nelson Mandela, US President Harry S. Truman, Indian Prime Minister Jawaharlal Nehru, King Faisal ng Saudi Arabia, Madonna, Sharon Stone at Hale Barry.
Sa Pilipinas, kabilang si dating President Estrada, dating First Lady Imelda Marcos, mga senador at congressmen, negosyante at mga batang may Autism.
Ang Villa Medica ay isa sa mga napili at inaprubahang clinic na nag-iinject ng Fresh Cell Therapy. Lisensiyado ito ng District Administration Office Sudiche Weinstrasse, Germany.
Para sa iba pang inpormasyon, maaa-ring ma-contact ang Villa Medica Phillippine Coordinator na si Joey Santos saTel.No. 09178986564.
- Latest
- Trending