^

PSN Opinyon

Editoryal - Gaano kaligtas ang STAR tollway?

-

MARAMI nang naganap na aksidente sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Batangas at marami nang nagbuwis ng buhay. Maraming pasahero ng bus, jeepney at private motorists ang naging biktima. At sa kabila ng mga nangyayaring aksidente, walang ginagawang aksiyon, pagbabago at reporma ang namamahala sa nasabing tollway. Ang STAR ay nagsisimula sa Sto. Tomas, Batangas at nagtatapos sa Lipa City (42 kms). Libong pasahero ang nagdadaan dito patungong Southern Tagalog provinces.

Noong Miyerkules ng umaga, isang RORO bus na patungong Oriental Mindoro ang naaksidente sa Ibaan, Batangas makaraang mahulog sa kanal. Da-lawang pasahero ang namatay at 24 ang nasugatan.

Ang pinaka-malagim na pangyayari sa tollway ay noong Enero 2, 2011 kung saan isang jeepney na puno ng pasahero ang binangga ng isang pampasaherong bus. Pito ang patay sa aksidenteng iyon. Umano’y galing sa reunion ang mga nakasakay sa jeepney at pauwi na ng Maynila. Nag-overtake naman ang bus sa sinusundang kotse at hindi nakita ang paparating na jeepney.

Noong Oktubre 25, 2010, isang bus at isang jeep­ney ang nagbanggaan din sa tollway na iki­namatay ng limang pasahero. Nag-ovetake din ang bus at nabangga ang paparating na jeepney. Sa lakas ng pagbangga, nagkayupi-yupi ang jeepney.

Noong Hunyo 2010, dalawang pampasaherong bus ang nagbanggaan sa nasabi ring tollway at 15 pasahero ang grabeng nasugatan.

Kapuna-puna na walang mga paalala sa moto­rista na magdahan-dahan sa nasabing tollway. Bakit hindi maglagay ng billboard kung saan ay pinaaalalahanan ang mga drayber na mag-ingat.

Maraming mali sa construction ng tollway na nagiging dahilan para malito ang mga drayber. Isa rito ay ang pagsasalubungan ng mga sasakyan na dapat sana ay one way lang. Saan ka naman nakakita ng highway na makitid at mayroong kasalubong. Kapag nag-overtake ang isa maaaring mabangga ang paparating. Isa pang mali ay may bahaging hindi pantay ang kalsada kaya tatalbug-talbog ang mga sasakyan.

Kailangan pa bang may mamatay muli bago solusyunan ang problema sa STAR Tollway? Kumilos sana ang management para maiwasan ang mga sunud-sunod na aksdente. Ituwid sana ang pamamahala sa daan na ito.

BATANGAS

BUS

ISA

LIPA CITY

MARAMING

NOONG HUNYO

NOONG MIYERKULES

NOONG OKTUBRE

TOLLWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with