^

PSN Opinyon

Obama kumakain pala ng 'asusena'

SAPOL - Jarius Bondoc -

INAMIN ni U.S. President Barack Obama sa isang talumpati na kumakain pala siya ng “asusena” noong bata pa sa Indonesia. Naalala tuloy ng American media ang pitik niya sa katunggali nu’ng 2008 elections, si palaaway na Sarah Palin, na mahilig mag-hunting ng moose at manood ng hockey. Ano umano ang kaibhan ng hockey mom at ng pit bull? Ang pit bull daw ay masarap!

Naengganyo naman mag-ulat ng kasaysayan si Prof. Janet M. Davis ng University of Texas in Austin. Aniya na sinisimangutan ng mga Amerikano ang pagkain ng aso, bagamat puwede sa maraming states ang personal na pagkonsumo nito. Pinandidirihan din ng Amerikano ang pagkain ng kabayo, bagamat ang “chicken-fried horse steak” ay nasa menu ng Harvard Faculty Club hanggang 1985.

Balik sa pagkain ng aso, binalik-tanaw ni Davis ang pagdala ng grupo ng Igorot sa St. Louis expo, Louisiana, nu’ng 1904. Dinumog ng mga manonood ang “Bow Wow Feast,” kung saan ipinakita ng mga nakabahag na Igorot ang ritwal na “sumang,” o ang pagkain ng aso sa Cor­dilleras sa Luzon.

May naging katawa-tawang o kaawa-awang nangyari sa mga Igorot, depende sa interpretasyon sa balita. Siyempre­ habang iniikot sila sa Amerika, pinakain sila ng masasarap, kaya nagtabaan. Nang dumating sila sa Los Angeles, California, nagkataon na sunod-sunod noon ang nakawan ng mga mamahaling aso: Mahigit 200. Aba’y pinagbintangan ng ilang Amerikano ang mga Igorot na kinain umano ang mga alagang aso nila!

Pero seryosohan, ani Davis, kaya nandidiri ang mga Amerikano sa “asusena” ay dahil hindi nila naiintindihan ang ugaling dayuhan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

AMERIKANO

BOW WOW FEAST

HARVARD FACULTY CLUB

JANET M

LOS ANGELES

PRESIDENT BARACK OBAMA

SARAH PALIN

ST. LOUIS

UNIVERSITY OF TEXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with