Sindikato ng droga, Pilipinas ang bagong puntirya!'
NABABAHALA ang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa sunod-sunod na kaso ng pagpupuslit ng droga sa bansa ng mga dayuhang mula sa Africa. Sa pagsisimula pa lamang ng taon, lima sa mga kinilalang miyembro ng West African drug syndicate ang nasakote ng PDEA sa Ninoy Aquino International Airport. Hindi bababa sa dalawang kilo ng droga ang nakumpiska ng mga operatiba sa bagahe ng mga suspek. Ayon sa record ng PDEA, mula sa Kenya, Uganda, Guinea at Ghania ang mga nahuling drug courier sa NAIA.
Markado na sa ilang bansa sa Asya tulad ng Malaysia, Thailand at Indonesia ang sindikatong ito kaya naman Pilipinas na ang bago nilang pinupuntirya. Isang itinuturong dahilan ay ang maluwag na seguridad sa paliparan ng Pilipinas. Mula Africa, dadaan muna ang sindikato sa Middle East saka papasok ng Pilipinas.
Kung minsan, ginagamit ng mga putok sa buhong sindikato ang foreign exchange students na nire-recruit nila para gawing drug mules o taga-bitbit ng droga. Maging ang mga social networking sites tulad ng Facebook ay nagiging instrument para makahanap ang mga ito ng mga drug courier.
Kaya patuloy ang pakikipag-uganyan sa isa’t isa ng Bureau of Immigration at PDEA para matyagang mabuti ang mga pumapasok na dayuhan partikular na ang mga hinihinalang miyembro ng sindikatong West African drug syndicate.
Mula sa “baron” o financier ng grupo, hanggang sa mga “recruiter” at “drug mules”, alerto at bantay-sarado ang mga operatiba sa dumaraming kaso ng drogang ipinupuslit sa bansa.
* * *
Panoorin mamayang gabi, sa BITAG, sa TV5 ang kabuuang dokumentasyon ng mga nasakoteng miyembro ng West African drug syndicate.
- Latest
- Trending