Driver ni NBI Esmeralda nanutok ng baril

NAIIYAK sa galit ang kawawang nilalang ni Lord na tinutukan ng boga ng isang NBI contractual driver ni Atty. Rey Esmeralda, NBI deputy director for Operation last April 27, 2012, d’yan sa isang lugar sa Pembo, Makati City.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si retired Philippine Air Force Master Sgt. Rogelio Valenzuela ang tinutukan ng boga ni Arnel Paz, isang AWOL soldier ng Philippine Marines at ngayon nga ay nagsisilbing driver/bodyguard ni Esmeralda.

Ano kaya ang masasabi dito ni acting NBI director Atoy Roxas, sa abusadong contractual employee niya?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa nga regular employee sa NBI si Arnel pero iba na kung gumalaw ito, dahil kaya ito kay Esmeralda na number 2 man d’yan sa NBI?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi dapat tinutukan ng boga ng AWOL soldier ang retired PAF man, sana hinamon na lamang niya ito ng boxing para mas sports ang dating. Tama ba, Attorney Esmeralda, Sir!

‘May ere na si Arnel dahil driver siya ni Esmeralda paano ngayon kung ang amo niya ang maging NBI director?’ tanong ng kuwagong naduro.

‘Baka lalong maging abusado’ sagot ng kuwagong tinakot.

‘Ano kaya ang magiging aksyon ni Esmeralda kay Arnel?’

‘Kanlungin kaya?’

‘Ang kasong panunutok ay isinampa ng retired PAF soldier laban kay AWOL Philippine Marine soldier sa Makati Prosecutor’s Office.’

Abangan.

Sumabat nanibat sa Muntinlupa

MASALIMUOT ang usapin ngayon ng madlang people sa Muntinlupa City dahil hati ang mga ito kung sino ang paniniwalaan sa mga pagbubulgar na ginawa ng isang dating top brass official d’yan sa city hall against kay Mayor Aldin San Pedro, ang 15 city councilors.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nagbulgar ng katiwalian ay itong si Abel Sumabat, dating head ng awards and bids committee d’yan sa Muntinlupa City hall pero may kinahaharap naman daw kaso ito tulad ng extortion, estafa at ‘malversation of public funds’ sa city prosecutor’s office.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinampahan ng tatlong kaso ng mga private contructor na sinasabing kinikilan ni Sumabat ng P5 million matapos pa­ngakuan na ang nasabing pera ay gagamitin niya para sa special operations procedures’ para masiguro ang pagkaka-award ng kontrata sa mga kongresista este mali kontratista pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nang sumambulat ang mga illegal activities ni Sumabat matapos maamoy ito ng mga official d’yan sa city hall ay agad nag-resign at para daw makaganti ay nagsampa ng graft case kay Mayor at mga protector este mali mga councilor pala sa Ombudsman.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aminado daw na si Sumabat mismo ang nagsilbing “bagman” sa mga inakusahan niyang opisyal.

Sabi nga, money bag!

‘Totoo kaya ang pinasambulat ni Sumabat?’ tanong ng kuwagong nabukulan.

‘Dapat pala bigyan ito ng proteksyon dahil nakakatakot at baka may mangyari sa ginawang pagsambulat ni Sumabat na parang isinibat sa mga kasamahan niya sa city hall’.

‘Naglulundagan tiyak ang mga kalaban ni Aldrin at mga councilor niya sa pangyayari dahil malapit na ang litsunan este mali eleksyon pala sa Philippines my Philippines’ sabi ng kuwagong taga-bilang ng boto.

‘Sino kaya ang paniniwalaan sa mga ito?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Parehong kapani-kapaniwala ang magkabilang panig’ sagot ng kuwagong sakim.

‘Sino ang mananalo sa kanila?’

Kamote ka pala siempre ang iboboto ng mga botante. Hehehe!

Abangan.

Show comments