I-activate ang CCTV cameras
RIDING-in-tandem ang pumatay kay Noel Cabrera, vice president ng EARIST sa Sta. Mesa noong Biyernes. At tulad ng iba pang kaso ng riding-in-tandem, mababaon lang sa limot ang kasong ito. Kahit dumarami pa kasi ang kriminalidad sa bansa, hindi nahihiya ang liderato ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome na ibando sa taumbayan na bumababa ang crime rate. Hindi nagigising si Bartolome at iba pang PNP officials para masawata ang riding in tandem. May narinig ba kayong programa ang PNP sa riding-in-tandem? Puro press release ang PNP!
Kung may CCTV camera sa mga kalye, baka hindi nangyari ang pag-ambush kay Cabrera o baka napadali ang pagkilala sa mga salarin. Inaamin naman ng mga kausap ko sa MPD na bumaba ang bilang ng kriminalidad nang magkabit ng CCTV si dating NCRPO chief Dir. Boysie Rosales sa mga kalsada. Ang mga CCTV camera ay naka-link up sa Regional Tactical Operation and Intelligence Center (RTOIC) sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Ang CCTV naman ay naka-hook up sa mga CCTV din ng mga local governments kaya malaking bahagi ng Metro Manila ang namo-monitor nito.
Halos P80 milyon ang nagastos ni Rosales para ikabit ang mga gadgets na ito subalit nawalang parang bula, kaya na-take advantage ito ng mga criminal. Kapag may nangyaring krimen noong panahon ni Rosales, isang pindot lang at makikita na sa monitor ng RTOIC ang kuha ng CCTV. At ang gagawin lang ng opisyal sa RTOIC ay tatawagan ang pinakamalapit na mobile car sa pinangyarihan ng insidente at may hahabol na sa mga criminal. Hindi maitatanggi ng mobile crew ang kanilang lokasyon dahil me-ron silang Global Positioning System.
Kaya dumadami ang bi lang ng krimen sa bansa ay dahil iba ang pinagkaabalahan ng mga pulis tulad ng Intelligence Group ni Chief Supt. Charles Calima. Imbes na habulin ang “bigtime crime groups”, sugal ang inaatupag gamit ang opisina ni Dep. Dir. Gen. Emil Sarmiento. Si Sarmiento ay itinalaga ng mistah niyang si Bartolome hindi para mapatigil ang sugal kundi para kumamkam ng pitsa.
Ilan pang Cabrera ang mawawala bago magising ang PNP? Napakadali naman ng solusyon at ‘yan ay ang pag-activate ng CCTV cameras sa lansa-ngan.
Abangan!
- Latest
- Trending