^

PSN Opinyon

Life after the court

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG isa sa pinaka-makatwirang panukala noon ni dating Senate President Ernesto M. Maceda ay ang disqualification ng mga mahistrado ng Mataas na Hukuman na ma-appoint sa pamahalaan pagkatapos nilang magretiro sa Supreme Court.

Malinaw ang dahilan kung bakit dapat itong ipagbawal – ito’y upang masiguro ang independence ng Supreme Court (SC) at ng anumang posisyong paglilipatan ng mahistrado. Malaking mayorya ng pangkalahatang dinidinig ng SC ay kaso ng gobyerno. Upang matanggal ang tukso sa mga mahistrado na pumabor sa nakapwesto kapalit ng maipapangakong appointment, kailangan ng ganitong kastriktong batas nang malinawan ang lahat na hindi kailanman dapat ninenegosyo ang desisyon.

Ang retirement age ng mga Supreme Court Justices ayon sa Saligang Batas ay 70 years. Matapos ng 70 ay itinuturing nang retirable ang mga mahistrado, tulad din ng 65 years na retirement age na itinakda sa ating Labor laws para sa pribadong sektor. Kaya hindi rin maituturing na nililimitahan ang pagkakataon ng mga Justices. Ang intensyon ay mabigyan sila ng panahon na makapagretiro ng masaya at i-enjoy ang malaki-laking retirement package bilang pasalamat sa serbisyo sa bansa. Pag 70 raw ay amoy lupa na.

Iyon ang akala. Itong Impeachment trial ay ipinamalas nina Associate Justice Serafin Cuevas, 82, lead defense counsel at ni Associate Justice Conchita Carpio Morales, 70, na may asim pa ang edad 70 and above. Ang kanilang komprontasyon nitong nakalipas na dalawang araw ay ang matatawag na “defining moment” ng paglilitis. Ang kombinasyon ng karanasan, kagalingan at kaalaman ay naiparada ng husto sa madla na siya namang ikinagalak ng mga impeachment trial junkies, lalo na ng mga estudyante ng batas.

Sa marami ay tila may organisadong pagkilos na tumutulak sa mga aktwasyon ng Ombudsman. Halata nga naman ang pagdiin na ginagawa sa Chief Justice na hindi maparisan sa ibang opisyal ng pamahalaan. Sa ganitong banggaan nakakatulong kung ang ating mga opisyal ay pinaniniwalaang may sariling pag-iisip at hindi iyong may utang na loob na maaring makakumpromiso sa paninindigan.

ASSOCIATE JUSTICE CONCHITA CARPIO MORALES

ASSOCIATE JUSTICE SERAFIN CUEVAS

CHIEF JUSTICE

HALATA

ITONG IMPEACHMENT

SALIGANG BATAS

SENATE PRESIDENT ERNESTO M

SUPREME COURT

SUPREME COURT JUSTICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with