^

PSN Opinyon

'Pyramid scam ng kooperatiba, hulog sa BITAG!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

PARA sa ilan nating mga kababayan, mailap ang swerte ng pagkakaroon ng trabaho dahil sa dami ng requirements na hinihingi ng iba’t ibang kumpanya.

 Karaniwang nagkakatalo sa karanasan at educational background ang mga jobseekers na nagtitiyagang pumila, matanggap lang sa inaaplayang trabaho.

 Kaya naman sa pagdaan ng mga taon, patuloy na umaakyat ang bilang ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho.

 Ito ang dahilan kung bakit nagsusulputan ang mga dorobong ang tanging hangad lamang ay kumita ng pera kahit pa manggaling ito sa hindi patas na pakikipag-ugnayan.

 Sinasamantala ng mga manggagantso ang pagkakataong marami sa ating mga kababayan ang desperado na, magkaroon lamang ng hanapbuhay.

 Isang grupo ng mga nagrereklamong biktima umano ng sinalihang kooperatiba ang lumapit sa tanggapan ng BITAG para humingi ng tulong.

 Agad na nahulog sa pain ng matatamis na dila ang mga nagrereklamong miyembro nang madiskubreng ang lahat ng ipinangakong benepisyo sa pagiging miyembro ay hindi pala totoo.

 Masusing pinag-aralan at inimbestigahan ng BITAG ang kalakaran at transaksiyon sa loob mismo ng kumpanyang inirereklamo.

 Pambungad pa lamang sa seminar na isinasagawa nila, nabisto agad ng BITAG ang modus ng kumpanya.

 Ang estilo ng kooperatiba ng Entrepinoy Multi Purpose Cooperative at sister company nito na Galmacro Internatio-nal Trading Corporation, halatang Networking o Pyramiding

Mismong tanggapan ng Securities and Exchange Commission ang nagkumpirma na hindi pinahihintulutan sa bansa ang ganitong negosyo.

Malinaw na isang uri ng panloloko ito sa mga miyem­brong nahihikayat nilang sumali.

Kaya naman kilos prontong nakipag-ugnayan ang BITAG sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District kasama ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, opisina ng Business Permit and Liscencing Office.

Panoorin ang isinagawang gulpi de gulat na entrapment operation sa mga pasimuno ng panloloko at panggagan-tso ng pyramid scam na ito sa BITAG sa darating na Biyernes ng gabi sa TV5.

BUSINESS PERMIT AND LISCENCING OFFICE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ENTREPINOY MULTI PURPOSE COOPERATIVE

GALMACRO INTERNATIO

KAYA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with