Utang na loob
Pangatlong anak ko noong nasa high school
may isang kaklaseng maganda’t marunong;
Nang sila sa hi-school nakatapos noon –
pag-aaral nila’y sa college natuon!
Classmate ng anak ko ay naging doktora
nagtayo ng clinic doon sa probins’ya;
Sa kanyang propesyon ay kahanga-hanga
mahusay maglinis ng katawa’t mukha!
Kamay ni doktora’y magaang-magaan
mga ginagamot ay nasisiyahan;
Dahil itong awtor ang mukha’y magaspang
doon sa clinic n’ya ay agad nagpasyal!
Panganay kong anak at isang kasama
na may mga bukol silang nakakapa;
Sinamahan ako sa doktorang mutya
at kami’y ginamot habang nakahiga!
Mga warts at nunal ay kanyang inalis –
sa mukha, katawan at saka sa leeg;
Mga katulong n’ya pawang mababait
kaya ang gamutan aming natitiis!
Gamit ay kuryente sinusunog niya
mga nunal at warts na kanyang makita;
Dalwang punta lamang sa kanyang klinika
magaling na agad sugat ko sa mukha!
Kaya ngayo’y parang bago ang mukha ko
di nakahihiyang iharap sa tao;
Kaya sa X-mas party nitong dyaryong ito
h’wag kayong magulat at darating ako!
Sa aking pagharap sa mga kasama
mapapansin ninyong mukha ko’y iba na
Wala na ang lahat na batik sa mukha
ang napalit ngayo’y makinis na cara!
Ito’y pagtanaw lang – utang na loob ko
pagka’t halos libre gamot ko’t trabaho;
Dra. Mary Ann Partoza-Aguado
siya ay diplomate sa kanyang opisyo.
- Latest
- Trending