^

PSN Opinyon

Fetus pills

- Al G. Pedroche -

MATAGAL na nating nababalitaan ang bersyon ng Viagra mula sa China. Pampasigla raw sa sex sa mga lalaking wala nang “paninindigan.”

Kaso may mga lumabas na pag-aaral na ang mga kapsulang ito ay nagtataglay ng laman ng pinatuyung tao. Hinihinalang ito’y mga fetus na pinatutuyo at dinudurog upang gawing kapsula. Wala pa ring katiyakan kung ang gamot na ito ay nakapasok na sa Pilipinas.

Pero kung iisipin ang dagsa-dagsang produktong nakapapasok sa bansa mula China, hindi malayong narito na nga ang mga gamot na iyan. Natuklasan kasi ang kontrobersya tungkol dito sa Korea na isa sa mga pamilihan ng gamot na ito.

At siyempre sa tuwing may ganyang kontrobersya, sakay agad ang mga politiko. Unang nag-react si Senator Manny Villar na agad nagbabala sa publiko sa posibleng pagpasok sa bansa ng mga kapsulang ito.

Inalerto ni Villar ang  mga ahensiya ng gobyerno na gawin ang lahat ng paraan upang hindi makapasok sa bansa ang mga nasabing “dead baby pills” na pinapalabas umanong  “miracle pills” na nakakagamot sa maraming uri ng sakit kasama na ang impotency. Tinalakay ang isyung ito sa pulong ng Quality Affordable Medicine Oversight Committee.

Sabagay, bakit may mga sabong gamit ng kababaihan na may sangkap ng tao pero hindi ipinagbabawal? Tinutukoy ko ay ang placenta soap na mula sa placenta ng mga babaeng nagsilang ng sanggol. Wala naman sigurong masamang epekto sa kalusugan ang mga fetus pills pero the fact na ito’y galing sa mga patay na bata ay nakaririmarim.

Diyan naman eksperto ang mga Intsik, sa mga tinatawag na exotic food at exotic medicine. Magtungo ka lang sa Chinatown ay maraming kakatwang gamot na matatagpuan sa mga Chinese drugstores. Mayroong pinatuyung cobra, buwaya o anu-ano pa na hindi pang­karaniwang tinatangkilik ng tao.

At kung ilang taon na ang nakalilipas, naibalita na rin natin sa pahayagang ito ang umano’y lihim na lugar sa Chinatown na nagbebenta ng pagkaing may fetus. Naku, baka pag tuluyan na tayong nasakop ng China ay kasama na tayo sa tatangkilik sa kanilang mga weird na kostumbre!

DIYAN

HINIHINALANG

INALERTO

INTSIK

KASO

QUALITY AFFORDABLE MEDICINE OVERSIGHT COMMITTEE

SENATOR MANNY VILLAR

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with