Milyong titulo ng lupa binulabog ng SC

SA 8-7 na desisyon ng Supreme Court sa isang dating friar land sa Quezon City, milyon-milyong Torrens Title ang nabubulabog sa iba pang katulad na lote. Nu’ng Marso, sa pagtatanggol ng pamilya Manotok sa pag-aari sa 34-ektaryang Piedad Estate laban sa kumakamkam na Barque-Manahan, tinuring ng SC na pati titulo ng Manotok ay peke. Kasi raw, wala itong pirma ng Secretary of Interior nu’ng 1904 (tulad ng dose-dosenang katulad na titulo sa mga dating friar lands).

Kabado tuloy ang mga may titulo, nakatira sa, o bumibili ng mga gan’ung lupa. Ito’y sa mga sumusunod:

Sa Laguna, tinatanong ng mga may titulo ang kanilang registrars of deeds kung ano ang mangyayari sa ari-arian nila. Ang buong Santa Rosa at Cabuyao, at malaking bahagi ng Calamba at Biñan ay da­ting pag-aari ng mga prayleng Augustinian-Recollects. May mga pabrika ngayon doon ng kotse at pagkain, at nagta­tayo ng mga subdivisions. Bulabog din ang maraming subdivisions sa magkabila ng Commonwealth Avenue, QC. Nababahala ang mga banko at ahensiya sa titulo, tulad ng Land Registration Authority.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com

Show comments