Milyong titulo ng lupa binulabog ng SC
SA 8-7 na desisyon ng Supreme Court sa isang dating friar land sa Quezon City, milyon-milyong Torrens Title ang nabubulabog sa iba pang katulad na lote. Nu’ng Marso, sa pagtatanggol ng pamilya Manotok sa pag-aari sa 34-ektaryang Piedad Estate laban sa kumakamkam na Barque-Manahan, tinuring ng SC na pati titulo ng Manotok ay peke. Kasi raw, wala itong pirma ng Secretary of Interior nu’ng 1904 (tulad ng dose-dosenang katulad na titulo sa mga dating friar lands).
Kabado tuloy ang mga may titulo, nakatira sa, o bumibili ng mga gan’ung lupa. Ito’y sa mga sumusunod:
Sa Laguna, tinatanong ng mga may titulo ang kanilang registrars of deeds kung ano ang mangyayari sa ari-arian nila. Ang buong Santa Rosa at Cabuyao, at malaking bahagi ng Calamba at Biñan ay dating pag-aari ng mga prayleng Augustinian-Recollects. May mga pabrika ngayon doon ng kotse at pagkain, at nagtatayo ng mga subdivisions. Bulabog din ang maraming subdivisions sa magkabila ng Commonwealth Avenue, QC. Nababahala ang mga banko at ahensiya sa titulo, tulad ng Land Registration Authority.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending