ANANG lumang kasabihan sa politika: “Politics make strange bedfellows.”
Sinasabi ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na hindi naman talaga sila magkapartido ni Manila Mayor Fred Lim kaya hindi kataksilan ang pagtakbo niya bilang bise ni da-ting Presidente Estrada na nagbabalak labanan si Lim sa darating na eleksyon sa 2013.
Pero ang tingin ko kay Isko noon ay carbon copy ni Lim sa maraming bagay. Sa mga panayam niya sa radyo, halos magkatulad ang pananagalog nila at indayog ng tinig. Mas baritone lang ang boses ni Lim pero sa unang dinig, halos magkaboses sila. Sabi ko noon, “ah..protégé ni Mayor Lim ang batang ito.”
Ayon naman kay Isko, patuloy siyang susuporta sa mga magagandang programa ni Lim habang magka-tandem pa sila sa local na pamamahala. Pero kabuntot ng pahayag ay ang pagkastigo niya sa kanyang “lolo” (Lim) na aniya’y inuna pa ang pagpapagawa ng mga lansa-ngan kaysa panatilihin sa trabaho ang maraming casual na empleyado ng City Hall. Sabagay, mukhang may katuwiran si Isko. Pero yung political color ng pahayag ay lantad na lantad. Dapat kung may problema sa loob ng administrasyon at totoong sinusuportahan mo ang leader “do not wash your dirty linen in public.”
Samantala, lumarga na ang “Jeep ni Erap” kahapon na minamaneho mismo ng dating Pangulo mula San Juan patungo sa kanyang bagong tahanan sa Maynila. Kumpirmado na tatakbo siya sa pagka-Mayor ng lungsod kaya kaila-ngan na siyang lumagi sa Maynila. Pagtupad ito sa rekisitos na sino mang kumakandidato ay kailangang residente sa lugar sa loob ng di kukulangin sa anim na buwan.
Hindi naman daw nasisindak si Mayor Lim sa pangyayaring ito anang kanyang tagapagsalita na si Ric de Guzman. Tama yan Mayor. Trabaho lang ng trabaho at taumbayan naman ang huhusga di ba?
Nilinaw din ni de Guzman na ang pagkakaalis sa mga empleyado ng City Hall base sa memoramdum na ibinaba ng Commission on Audit na magbawas ng mga casual, contractual, resear-chers at mga consultant dahil lumagpas na ang gastusin ng lungsod sa kanilang kita.