^

PSN Opinyon

Kalusugan Pangkalahatan ng DOH

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

INILUNSAD ni Health Secretary Enrique T. Ona ang plano niyang Kalusugan Pangkalahatan (Universal Health Care). Ang layunin nito ay mabigyan ng kakayahan ang bawat Pilipino na makakuha ng serbisyong medikal sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Ngunit paano ito gagawin ng DOH. Hindi ba parang panaginip lamang ito? Bilang isang doktor, surgeon at public health person, may kakaibang estratehiya si Sec. Ona:

Una sa lahat, hinihikayat ni Secretary Ona na ma-bigyan ng libreng PhilHealth coverage ang mga limang milyong mahihirap na pamilya na nakalista sa DSWD program. Dahil dito, kaya niya inilunsad ang PhilHealth Sabado 1 at PhilHealth Sabado 2. Libre ang pag-enroll sa PhilHealth ng mga pamilyang mahihirap.

Pagandahin ang kondisyon ng ating ospital at health center. Walang sawa ang paglalakbay ni Secretary Ona sa mga ospital sa probinsya. Halos lahat ng region ay nadalaw na niya. Para matutukan ang pag-ayos sa mga ospital, nagtalaga siya ng isang DOH Usec, si Dr. Ted Herbosa at isang DOH Asec, si Dr. Romulo Busuego, para bantayan lamang ang mga pam-publikong ospital.

Pagpaplano ng pamilya. Gusto ni Secretary Ona na mabigyan ng tamang impormasyon at pangangalaga ang mga ina. Kahit may issue dito, isinusulong ni Sec. Ona ang RH Bill na sa kanyang paniniwala ay makatutulong sa mahihirap na pamilya.

Bawasan ang namamatay na nanay at sanggol. Bawat araw, 11 nanay ang namamatay sa panganganak sa Pilipinas, kumpara sa Thailand na 2 lamang.

Bawasan ang lifestyle diseases, tulad ng sakit sa puso, diabetes, high blood at kanser. Sabi ni Dr. Ona, “Kung mababawasan lamang ang mga naninigarilyo, siguradong bababa din ang mga kasong ito.” Pabor si Secretary Ona sa pagpapataw ng dagdag buwis o “sin taxes” sa sigarilyo. Ayon sa kalihim, pinangako ni President Aquino na ibibigay sa DOH ang lahat ng buwis na makukuha sa “sin tax.”

6. Bawasan ang kaso ng dengue, tigdas at iba pang mga sakit. Sa katu­nayan, tuluy-tuloy ang kam­panya ng DOH laban dito. Noong nakaraan, inilunsad ng DOH ang “Ligtas Tigdas” campaign na nagkakahalaga ng P700 million. Halos 16 milyong batang Pilipino ang nabakunahan ng DOH at LGU sa loob ng 2 buwan.

7. Dahil sa dagdag pondo sa DOH, may bagong bakuna laban sa pagtatae ang ipapamahagi ng DOH ngayong taon. Ito ay ang mabisang Rotavirus vaccine na mapoprotektahan ang mga bata sa pagtatae. Gagastos ng P560 milyon ang DOH bawat taon at isasama na ito sa regular na bakuna sa health center.

Para sa DOH, sana ay magtuluy-tuloy pa ang mga magagandang proyektong ito para sa mahihirap.

BAWASAN

DAHIL

DOH

DR. ONA

DR. ROMULO BUSUEGO

DR. TED HERBOSA

HEALTH SECRETARY ENRIQUE T

ONA

SECRETARY ONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with