Mr. Jarius Bondoc, nabasa ko po ang column mo sa Pilipino Star NGAYON. Hindi naman po batayan sa pagpili ng National Artist ay personal na buhay. Ang batayan po ay ang naiambag ng indibidwal sa pelikulang Pilipino. Mga karangalang natamo sa lokal at ibang bansa. Kaya sa akin naman pong palagay ay maari na ring hindi naisin ni Vilma na siya ay manomina dahil baka makalkal ang betamax scandal niya with Romeo Vasquez noong ‘70s at paggawa nya ng mga ilang bold films nung 1970’s dahil sa hirap nyang maiangat ang kanyang career. May mga bigo rin siyang relasyon.
Si Dolphy ay ganundin dahil sa dose-dosenang mga anak niya sa iba’t ibang babae. Anak na sangkot sa murder/arson.
Gusto ko pong iklaro na hindi nabilanggo si Nora sa Amerika. Siya po ay na-acquit. Nora’s achievements is unparalleled. Even past National Artists winner can’t even matched what she has achieved in Philippine Cinema. Hindi batayan ang pagiging matanda o malapit nang mamatay para maging National Artist.
Si FPJ ni walang international recognition abroad pero naging National Artist. Isa sa criteria ay dapat nanalo ng awards international and local. Pagdating sa awards at achievements talagang lamang sa kanila si Nora. Lahat ng tao ay nagkakamali at ang pagkakamali naman ay naitutuwid. Thank you at god bless!
— MEL CAPARAS, Sampaloc, Manila