Mandurukot sa SM North
DINAGSA ng sangkaterbang mamimili ang opening salvo ng ‘forever 21’ sa SM North, Quezon City, kaya naman enjoy ang madlang people na pumasyal sa nasabing place dahil sa dami ng murang RTW’s na mabibili.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos hindi makagalaw ang madlang people sa loob ng ‘forever 21’ noong opening kaya dahil hos puno ito sa madlang pinoy kaya naman ang daming private securities ang loob nito para bigyan proteksyon ang mga buyer sa anuman uri ng mga mandarambong.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa dami ng mamimili sa loob ng ‘forever 21’ nagmistulang fiesta ang lugar kaya naman tuwang-tuwa ang mga mandurukot dahil wala silang pinatawad sa loob para dukutan mapa-bata o matanda, may ngipin o wala, unano o matangkad, kalbo o may buhok, may anghit o wala, tomboy o bakla basta ang importante may madudukot ang mga animal.
Nagsumbong ang kasangga ng mga kuwago ng ORA MISMO, nadukot sa loob ng handbag niya ang kanyang iPhone 4s samantala ang kanyang katabi na bebot ay nagiiyak naman dahil wala itong kamalay-malay na nahiwa na pala ang kanyang shoulder bag.
Sabi nga, ngal-ngalan blues!
Ika nga, huhuhu ang nangyari!
Nagsumbong ang mga biktima sa in-house security ng ‘forever 21’ para ireklamo ang nangyari sa kanila kaya naman gustong ipasara ng mga ito ang pinto ng bagong bukas na tindahan na nagbabakasakaling nasa loob pa ang mga mandurukot.
Sabi ng mga biktima pinalagan ng SM security ang gustong mangyari ng i-house sekyu ng ‘forever 21’ kasi ayaw nilang ipasara ang tindahan at. Aka maalarma pa ang ibang mamimili at mapahiya sila na pinasok sila ng mga mandurukot.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Kaya naman luhaan umuwi ang mga biktima samantala nakangiti naman ang mga mandurukot.
Moral lesson - mag-ingat kayo!
Case ni Kim Tae Dong, kamusta na
Ano na kaya ang nangyari sa kaso ni Kim Tae Dong, ang Koreanong ‘under hospital arrest’ na tumakas sa ospital sa Global City?
Isang special fact finding committee ang ginawa ng government of the Philippines my Philippines dito para mag-imbestiga kung paano nakatakas si Kim Tae Dong habang under hospital arrest ito dahil ikinatuwa ito ng Korean government ng mahuli ang Koreano pero ng makapuga ay naggagalaiti daw sa galit ang gobierno ng Korea.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila basta naniniwala na makakapuga si Kim Tae Dong ng alaws kasabwat sa mga bugok na guardia sibil na nagbabantay dito. Tama ba, Jerome Gabionza?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila makapaniwala na naisahan ni Kim Tae Dong ang intelligence group ng Bureau of Immigration sa ginawa nitong pagtakas o sa pagiging ala-Houdini. Hehehe!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat may managot sa pagkawala ni Kim Tae Dong dahil kahihiyan ito ng Philippines my Philippines. Tama ba, Jerome Gabionza ?
Sabi ng mga Kuwago ng ORA MISMO, sa pagpuga ni Kim Tae Dong ay dapat may kaakibat na ‘command responsibilities’ kaya ito ang dapat pairalin dito.
Abangan.
Usurero at usurera sa BI
Sabi ng mga asset.ng mga kuwago ng ORA MISMO, medyo lie low ang grupo nina Jerome, Josie at Mommy, ang usurero at usurera na may bigtime operation sa Bureau of Immigration. Take note, BIR Commissioner Kim Henares, Your Honor !
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simple daw ang galawan ng tatlong ‘itlog’ dyan sa main office ng BI sa pagpapautang sa mga utangero dyan sa bureau dahil mainit sila ngayon at baka mahubaran sila ng mga maskara kasi binubusisi ang kanilang kinita sa pagpapautang na tumipak dahil sa malaking tubo.
Sabi nga, hindi isinama nina Jerome, Josie at Mommy sa kanilang income tax ang nasabing kinita ng mag-file ito sa BIR last month.
Naku ha!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang hindi nakakakilala sa tinaguriang ‘tatlong itlog’ dyan sa bureau dahil mas sikat pa sila at halos dino-diyos ng mga utangero oras na nangangailangan ng salapi ang mga ito.
Sabi nga, lahat ng papuri ay natanggap na nina Jerome, Josie at Mommy basta magpa-utang lamang sila sa mga utangero dyan sa BI.
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dalawa sa tatlong 5-6 ay dehins pala empleado ng BI pero ang problema ay dehins pa rin sila lulusot sa BIR oras na umpisahan ang pagbulatlat sa kanilang mga kinita.
Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malawak pala ang operasyon ni Jerome ‘bugok’ dahil hanggang NAIA pala ay may mga punyeta este mali pautang pala ito.
Abangan.
- Latest
- Trending