^

PSN Opinyon

Pagkukulang sa Vitamin D

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MAY mga bagay sa ating katawan na kadalasan ay hindi pinapansin, dahil wala namang malinaw na sintomas na nararamdaman. Isang halimbawa ay ang pagkukulang sa Vitamin D. Ang Vitamin D ay natural na nakukuha mula sa araw. Kapag nasisinag ng araw, gumagawa ang katawan ng natural na Vitamin D. Ang bitaminang ito ay para sa magandang pagbuo ng mga buto, at may mga bagong pananaliksik na may kaugnayan ang pagkukulang sa Vitamin D sa ibang mga sakit, katulad ng sakit sa puso, asthma at cancer! Kaya hindi puwedeng maliitin ang pagkukulang sa bitaminang ito.

Pero kung nakukuha naman pala sa araw, bakit kailangan pa ng mga Vitamin D na tableta? Dahil na rin sa kulay ng ating balat. Ayon sa isang doktor na nakausap ko, dahil medyo maitim ang kulay ng ating balat kumpara sa mga puting Amerikano, kailangang magbilad sa ilalim ng araw ng apat hanggang anim na oras para lang makuha ang rekomendadong dosage ng Vitamin D sa bawat araw. Kaya ninyong gawin iyon, sa init ng araw ngayon? Eh di tableta na lang, no? Nakukuha rin ang Vitamin D sa ilang mga pagkain, katulad ng mga produktong gatas, isda, yung dilaw ng itlog at atay ng baka. Kung hindi ka kumakain ng karne, maaaring kulang ka sa Vitamin D.

Katulad ng nasabi ko, walang malinaw na sintomas para masabing kulang ka na sa Vitamin D. Mararamdaman mo na lang ang epekto sa inyong buto kapag matagal ka nang kulang sa bitamina. Kaya dapat nagpapasuri sa doktor ukol sa lebel ng Vitamin D na nasa katawan ninyo, para malaman kung kakailanganin mo ng karagdagang tableta para dito, kaya dagdagan ang ilang mga klaseng pagkain sa diyeta. Lalo na yung mga takot sa araw at hindi kumakain ng karne! Isang dahilan din ang pagiging mataba, kaya nagkukulang sa Vitamin D. Parang kabalintunaan pero ganun nga.

Marami pang bagay-bagay ukol sa kalusugan ang pag-uusapan natin sa mga darating na araw. Mga bagay na hindi karaniwang tinitingnan ng mga doktor. Mga bagay na kung maiwawasto, ay makakapagbigay ng karagdagang kalusugan sa katawan para labanan ang sakit, lalo na yung mga malulubhang sakit! Hindi ba bawal ang magkasakit? Mas mahal ang ospital? Mga tamang kasabihan.  

AMERIKANO

ANG VITAMIN D

ARAW

AYON

DAHIL

ISANG

KAYA

VITAMIN

VITAMIN D

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with