^

PSN Opinyon

Krimen bumababa - pero tumitindi

SAPOL - Jarius Bondoc -

GOOD news: kumonti ang krimen nitong unang tatlong buwan ng taon, kumpara nu’ng 2011, ani Interior Sec. Jesse Robredo. Pero may bad news: sa konting krimen, aniya, maraming high profile cases na gumimbal sa bansa. Idadagdag ko pa: marami sa malalalang kaso ng mga nakaraang taon ay hindi pa nalulutas. Halimbawa: ang pagkawala ni activist-farmer Jonas Burgos nu’ng Abril 28, 2007.

Ani Robredo, halos 17% ang ibinaba ng naitalang krimen, o 55,680 kaso nitong 1st-quarter 2012, kumpara sa 2011. Sa index crimes — homicide, rape, holdap, pamamasok, matinding pananakit, carjacking, at panununog — halos 20% ang ibinaba, sa 34,043 kaso. Dala ito ng paggaling ng pulisya sa paglutas ng krimen, ani Robredo.

AmInado naman si Robredo na bagama’t kumonti ang krimen ay high profile cases ang mga ito. Kabilang na ang pagpatay sa artistang Ramgen Revilla, kapatid sa labas ni Sen. Bong Revilla, mismo ng mga kapatid na buo niya. Naroon din ang pamamasok sa bahay ni bankero Bobby Aguirre at pagpatay sa bodyguards niya, ang pagnanakaw at pagpaslang sa mga turista, at ang pang-aagaw sa mga kotse at pagpatay sa drivers nito.

Idadagdag pa ang hindi mahupang R-I-T, o riding-in-tandem na asasinasyon. Ito’y ang modus operandi ng magkaangkas sa motorsiklo na barilin ang target nang malapitan. Dati-rati ang target ay mga politiko, ng mga katunggali sa halalan. Tapos, naging target rin ang mga negosyanteng ipinaliligpit ng mga kakumpitensya. Hindi naglaon, sinama na rin ang mga mamamahayag na naglalantad ng kabulukan sa pook nila. Pero ngayon, pati mga tindero sa palengke at karibal sa panliligaw ay pinaga-gun-for-hire na rin.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANI ROBREDO

BOBBY AGUIRRE

BONG REVILLA

IDADAGDAG

INTERIOR SEC

JESSE ROBREDO

JONAS BURGOS

PERO

RAMGEN REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with