Ningas Cogon, isang ugali natin ito kung saan maga-ling tayo sa umpisa pero pagtagal ng panahon ay nakakalimot tayo at balik tayo sa dating gawi. Isang masama na-ting ugali ito at dahilan kaya nandito tayo sa kinatatayuan natin ngayon, aping bansa kung saan mahigit kalahati ng mamamayan ay nabubuhay sa kahirapan.
Bakit natin pinaalala ito, simple lang ho. Unti unti bumabalik ang wangwang. Bagama’t wala tayong masasabi sa Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na naninindigan na hindi puwedeng umabuso ang mga Presidential Security Group, may ilang opisyal ng pamahalaan ang dahan dahang bumabalik ang kayabangan o kawangwangan sa kalye.
Nakikita natin silang nag cocounter flow at ang mga escort nila pawang wang wangwang na naman. Iba naman, nanunutok pa ng baril gaya na lang nitong pulis na nagmamaneho ng isang puting Toyota Fortuner na may plakang PGI 530.
Nakipaggitgitan sa traffic, ayaw mabusinahan dahil halos makabangga ng ibang sasakyan at nang abutin ang bumusina sa kanya ay nanutok at nagmura ng walang tigil nuong April 20 diyan sa kahabaan ng Commonwealth ave. malapit sa may Fairview, Quezon City.
Saksakan ng yabang ang nagmamanehong ito na may nakasabit pang uniporme ng pulis sa likuran ng sasakyan. Masyadong matapang at dapat literal na alisan ng baril o at tanggalin sa serbisyo o di kaya’y padala natin sa Scarborough Shoal at duon niya pakita ang tapang niya.
Ang mga katulad ng hambog na ito, kasama na ng mga nagbabalikang mga wangwang ay dapat mapigilan muli bago bumalik na naman ang wangwang sa lipunan natin.
Naalis na ito ng ilang buwan sa pinakita ni Pa-ngulong P – Noy pero kailangang follow up para hindi na mabuhay muli. Dapat sampolin at umpisa sa driver ng Fortuner na may plakang PGI 530.
* * *
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text e mail sa nixonkua@ymail.com