^

PSN Opinyon

Bakit kaya hindi magkaayos itong sina Bartolome at Pagdilao?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGSALITA na rin ang Anti-Illegal Drugs Special Ope­rations Task Force (AIDSOTF) tungkol dito ke Maria Cristina Rodriguez, ang ugat ng raid na isinagawa ng Intelligence Group (IG) ng PNP at Regional Special Ope­rations Group (RSOG) at PRO4-A sa opisina ng Batangas CIDG. Sinabi ng AIDSOTF na itong si Rodriguez ay isang hardcore drug pusher at miembro ng Chen drug syndicate. Sinabi ni Sr. Supt. Prudencio Tom Banas sa kanyang report na itong si Rodriguez at mga kapamilya niya ay naaresto ng AIDSOTF noong 2006 sa isang buy-bust operation sa Pasay City. Si Rodriguez ay na-rescue ng IG, RSOG at PRO4-A sa isang raid noong Abril 20 sa Batangas CIDG office bunga sa sumbong ng una na kidnapping at P1 milyon extortion. Sa tinuran ng AIDSOTF, kasama ang pag-amin ng hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 4-A na lehitimo o aboveboard ang operation ng Batangas CIDG laban ke Rodriguez, si PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome ang naiwan sa kangkungan. Na- WOW mali si Bartolome, di ba mga suki?

Sa report ni Banas, itong si Rodriguez, kasama ang nakakabatang kapatid na si Necel Rodriguez-Chen, at ang tiyahing si Erlinda Francisco ay naaresto sa isang buy-bust operation sa Pasay City noong July 16,2006 at nakumpiskahan ng halos 300 gramo ng shabu. Ang asawa ni Necel na si Li Sui Chen, ay isang drug lord na kasalukuyang nakakulong. Itong si Necel ang itinuturo ni  Eduardo Villena, na siyang tumatayong abogado ni Chief Insp. Jay Agcaoile at mga tauhan, na siyang nag- suplong sa IG tungkol sa kidnapping at extortion try ke Maria Cristina. Itong IG naman ay nilunok ang sumbong ni Necel “line, hook and sinker”, imbes na i-validate muna ito at isubo ke Gen. Bartolome. Kaya’t hayun, napahiya ang PNP chief natin. Dapat lang siguro na sibakin ni Gen. Bartolome itong si Calima dahil unang salang pa lang eh pal­pak na. Imbes na habulin ang mga bigtime kriminal o teroris­ta na namumugad sa bansa, eh ang lingguhang intelihensiya sa mga gambling lords, beerhouse at nightclub owners, at iba pang mga illegal ang inuuna niya. Gusto rin pala ni Calima na mapuno ang bulsa niya ng pitsa, di ba mga suki?

Ang tanong sa nga­yon ng mga pulis-May­­nila na nakausap ko, saan na sa ngayon itong si Maria Cristina. Matapos ma-res­cue kasi ng mga “bataan” ni Gen. Bartolome, nag­laho siyang parang bula. Siguro nagpapa­lakpakan na sa tuwa sa ngayon itong pa­milya ni Maria Cristina bunga sa dahil sa kanya, nag-aaway na itong sina Gen. Bartolome at CIDG chief Director Samuel Pagdilao Jr. Bakit kaya hindi magkaayos itong sina Bartolome at Pagdilao? Me namumuo kayang professional jealousy sa dalawa?

No sa tingin n’yo mga suki?

 Abangan!  

vuukle comment

BARTOLOME

BATANGAS

CALIMA

CHIEF INSP

ITONG

MARIA CRISTINA

NECEL

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with