^

PSN Opinyon

'Ang babae sa balikbayan box'

- Tony Calvento -

NALUBAK ka na minsan. Sa dami ng butas sa kalsada mag-ingat baka madapa ka muli!

Ika-30 ng Marso 2012 nang magpunta sa aming tanggapan si Cecilia Deñoso o Ces, 30 taong gulang taga-Mandaluyong. Inirereklamo niya ang asawang si Jeffrey Deñoso.

Nabuntis si Ces nung labing siyam (19) na taong gulang pa lang bago pa niya naging asawa si Jeffrey o Jeff. Babae ang naging anak niya na itinago namin sa pangalang Mika.

Mag-isa niyang inalagaan ang anak at pinangako na ang anak na lang ang aasikasuhin. Tama na muna ang pag-ibig at mga lalake. Problema lang ang dulot nito.

Taong 2001 sumama sa ‘outing’ ng kanyang Ate Cynthia si Ces sa isang ‘resort’ sa Antipolo. Doon una silang nagkakilala ni Jeff.

Ika-24 ng Hulyo 2001 debut ni Carina. Umattend si Jeff. Pormang-porma ito suot ang itim na polo.“Pagkakita ko sa kanya may naramdaman agad akong kakaiba”, sabi ni Ces.

Niligawan siya ni Jeff. Makalipas ang dalawang buwan sinagot niya ito. Naging mainit ang kanilang relasyon. Nakipag-‘sex’ siya kay Jeff.  Nag-live in sila agad.

Ipinakilala ni Jeff si Ces sa magulang nito. Kabado man ay hinarap nila ang magulang ng lalake.“Wala na bang iba anak? Pipili ka lang yung may bagahe pa. Ang dami namang dalaga diyan. Talo mo pa yung nanalo sa lotto ah,” sabi ni Elizabeth, ina ni Jeff. Napaiyak na lang siya sa sinabi ng mga ito. Tutol man ang magulang ni Jeff ay hindi rin napigilan ang relasyon ng dalawa.

Ika-12 ng Hunyo 2004 ng ikasal sina Ces at Jeff sa simbahan sa Mandaluyong.

Ika-19 ng Nobyembre 2004 nang ipanganak ni Ces si Dave. Kinailangan nilang isanla ang kanilang ‘wedding ring’ pambayad sa ospital.

Taong 2006 nagkatrabaho si Jeff sa Malaysia bilang ‘casino dealer’. Ayaw man nilang magkahiwalay wala na rin siyang nagawa dahil kailangan.

Kada buwan Php 15,000 ang dumarating kay Ces na panggastos sa pamilya.

Pebrero 2007 naramdaman ni Ces na kakaiba na ang ugali ng asawa. Biglang natigil ang padala ni Jeff.

Nagkakutob si Ces na baka may babae ang asawa. Tumibay ang kanyang hinala ng silipin niya ang Facebook account nito. Bumungad sa kanya ang litrato ng asawa na may kasamang babae.

Ang babaeng tinutukoy niya ay Roya, katrabaho ni Jeff at ‘best friend’ niya umano. Dumalang din ang pagtawag ni Jeff. Ang sustento na 15,000 kada buwan ay naging 7,000 na lang.

Disyembre 2009 nang umuwi si Jeff sa Pilipinas kasabay si Roya Antisoda.

Mula nung gabing umuwi si Jeff sa bahay hindi na ito tumabi kay Ces sa pagtulog. Lalo pa siyang naghinala nang makita niyang may suot na gintong singsing itong si Jeff. Tinanong niya ito at sinabing kasama sa binili niyang relo.Inaway niya si Jeff.

Disyembre 2009 may dumating na ‘package’ sa bahay ng nanay ni Jeff. Tinext nito ang anak. Binilin sa kanya ni Jeff na saka na lang niya ito kukuhain.

Enero 2010 Pumunta si Jeff sa bahay ng ina gustong sumama si Ces ayaw siyang isama ni Jeff subalit napilitan siya.

Pagdating sa bahay ng ina nakita ni Ces ang balikbayan ‘box’. Sinilip niya aang laman. Mga laruan, unan, damit, sabon, de lata at tsokolate ang laman nito. Naisipan niyang tingnan kung kanino ito nakapangalan. Leroya Viñola Antisoda ang nakasulat sa kahon.

Pakiramdam ni Ces na marahil matagal nang alam ng magulang ni Jeff na si Leroya ang kinalolokohang babae ng anak nila. Nalaman niyang kinukunsinte ng ina si Jeff. Nawalan na siya ng gana kay Jeff at nakipaghiwalay na siya dito.

Ika-20 ng Abril 2010 pumunta si Jeff sa bahay nila ni Ces. Kinukuha sina Mika na 11 na taon na at Dave, pitong taong gulang. Hindi binigay ni Ces ang dalawang bata.

“Nagwala siya sa ‘min. Pinagtatadyakan at pinagsusuntok ako. Di pa siya nakontento...sinakal niya ko hanggang sa ‘di na makahinga. Buti andun ang tita ko at napigilan siya.”, sabi ni Ces.

Ni-‘report’ niya ito sa barangay. Na-trauma si Ces dahil sa nangyari. Napagdesisyunan niyang hiwalayan na si Jeff.

Mayo 2010 ‘di na nagpakita pa si Jeff. Balita ni Ces nasa ibang bansa ito at nag-seaman. Nagtrabaho siya sa tindahan nila sa palengke. Nagtrabaho rin si Ces sa One Global bilang ‘call center agent’ dahil hindi na siya binibigyan ng pera ni Jeff. Kahit sustento para sa mga bata ay madalang na kung magbigay.

Ika-8 ng Pebrero 2011 umuwi si Jeff para ipagamot ang inang may sakit. Hiniram niya rin ang anak kay Ces. Ibinigay naman ni Ces para malaman ng asawa ang paghihirap niya.

“Parang patak ng ulan kung magbigay siya ng sustento. Hindi naman pwedeng ‘pag nagbigay siya tsaka lang kami kakain. Madalas kinukulit ko pa yung nanay niya para mabigyan kami. Obligasyon niya yun. Ako pa ang nanlilimos para sa anak ko”, wika ni Ces.

Ika-7 ng Marso 2012 nang pumunta si Ces sa tanggapan ng Violence Against Womens and Children Division (VAWCD) upang ilapit ang kanyang kaso. Naka-usap niya roon si Agent Christine Dela Cruz. Ayon sa kanya ay kailangang magharap sila ni Jeff sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil protocol nila ito. Iniskedyul sila ng ika-12 ng Abril 2012. Nang araw ring iyon nagsadya sa aming tanggapan si Ces at sinabi ang kanyang problema na natatagalan siya sa ibinigay na ‘schedule’ sa kanya ni Agent Dela Cruz. Baka raw makaalis na ulit papuntang abroad ang kanyang asawa at hindi na niya ito mahagilap.

Ika-11 ng Abril 2012 tumawag si Agent Dela Cruz kay Ces at sinabing ‘wag na muna itong pumunta sa iniskedyul niyang pagkikita nilang mag-asawa. Si Jeff na lang daw muna dahil hindi naman ‘subject for mediation’ si Ces.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882 KHZ (3:00-4:00 ng hapon) ang problema ni Ces.

“Tulungan ninyo ako kung ano ang maari kong gawin para ma-obliga itong asawa ko na tumulong sa pagpapalaki ng aming pamilya,” pakiusap ni Ces.

Agad naming tinawagan ang NBI Deputy Director na si Atty. Edmund Arugay ng Special Investigation Services. Sabi nito ay papuntahin si Ces sa kanilang tanggapan para matulungan itong mai-‘file’ agad ng kaso.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES naniniwala rin kami na ang kaso kapag idinaan sa isang ‘investigation process’ ng NBI, CIDG o PNP at naglabas ng endorsement at ‘transmittal report’ sa Pro­secutor’s Office, ang taga-usig ay hindi na masyadong mahihirapan timbangin para makitaan ng ‘probable cause’.

Subalit para sa akin kapag Violation of R.A. 9262 para sa sustento sa anak at sa pamilya, isampa agad sa Prosecutor’s Office at ang taga-usig naman i-file ang information para sa korte na lamang sila mag-usap,

Sa isang “FAMILY COURT” ang huwes kapag nagbigay ng utos at hindi sinunod ito, maari niyang labasan ng “warrant of arrest” at ipahuli itong lalake. Sa ganitong paraan lamang matututo at susunod itong mga tangang iresponsableng lalake na walang ginawa kundi anakan at iwanan ang ating mga kababaihan.

(KINALAP NI IAN DEL ROSARIO)Sa mga gustong makipag-ugnayan sa aming tanggapan maari kayong tumawag sa aming numero 09213263166/09198972854.Ang Landline 6387285 at 24/7 hotline, 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd. Pasig Lunes-Biyernes.

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

ANAK

CES

IKA

JEFF

LSQUO

NIYA

PARA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with