'Matira ang Matibay! (The Ormoc Drug Raid Operation)'
DALAWANG araw na naglakbay ang grupo ng BITAG mula Maynila para marating ang tinaguriang The Port City, lungsod ng Ormoc sa Leyte.
Eksklusibo na nai-dokumento ng BITAG ang isinagawang paglusob sa target site na matagal nang mina-matyagan ng mga operatiba ng Operations Division ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 8.
Sa pamumuno ng hepe ng PDEA Region 8 na si Director Julius Navales, maingat na minanmanan ng mga PDEA undercover ang mga durugista sa baranggay Mabini, Ormoc City.
Markado ang lugar na ito na pugad ng mga tulak at gumagamit ng droga. Ayon sa intelligence report ng PDEA, itinuturing nang “Under Drug” ang Ormoc na lubhang mapanganib.
Kaya naman masusing pinag-aralan ng mga operatiba ang bawat sulok ng papasuking bahay at eskinita sa nasabing lugar.
Bantay-sarado maging ang tinaguriang “Kingpin” sa lugar. Siya ang itinuturing na most wanted ng mga operatiba ng PDEA.
Sa bayang ito, pinaiiral ang sistemang “matira ang matibay”. Kapwa mga grupong sangkot sa droga ang nagpapatayan.
Alyas Payling kung tawagin ang kinikilalang Kingpin ng Mabini na si Rafael Parilla.
Kingpin ang tawag sa durugistang maiiwang buhay na siya namang target ng mga kinauukulan.
Siya ang natitirang mi-yembro ng Sacay Drug Syndicate, isang sindikatong notoryus at big time drug dealer sa Ormoc.
Panoorin sa BITAG ang maaksiyong paglusob ng ikinasang drug raid operation ng PDEA Region 8 mamayang hatinggabi sa TV 5.
- Latest
- Trending