Riot sa Silverio compound

BLOODY! Ang nangyaring giyera - patani sa pagitan ng mga miembro ng Philippine National Police at ang grupo ng mga pumalag na mga squatter sa ginawang ‘gibaan blues’ dyan sa Silverio compound, Sucat, Parañaque City the other day dahil nag-mistulang ‘civil war’ ang kalye todits kaya naman ng magkaroon ng clearing operation isa ang nakitang tigok at 30 ang ‘crying like a cow’ dahil sugatan sila ng palagan nila ang mga lespu samantala 10 naman sa parte ng pulisya ang nakamote din sa rambulan.

Nagbatuhan ng utot este mali mga bote, bato, molotov bomb at may mga panang nagliparan sa side ng mga nagpalagan mga squatter sa parte ng pulisya palo dito palo doon, batuta dito batuta doon, suntok dito suntok doon, batok doon batok dito, sampal dito sampal doon, sipa dito sipa doon, tear gas dito tear gas doon at ang matindi putok dito putok doon kaya napanood at nasaksihan ito ng madlang people all over the Philippines my Philippines sa telebisyon.

Sabi nga, mapa-bata o matanda, tomboy o bakla, may baktol o wala, pipi, bulag o bingi, may ngipin o bungal, unano o matangkad lahat sila ay naawa sa nangyari.

Hindi naman nagpa-awat ang Malacañang dahil inuto este mali iniutos pala nila na busisiin kung sino ang mana­nagot sa nangyari kaya pasok din sa eksena hindi ang Commission on Human Right at ang DILG na agad sinisisi ang kapulisan sa nangyaring ‘riot’ pati mga pulitiko pumasok din at pumapel dahil gusto nilang kalkalin ang totoong nangyari.

Ika nga, mag - grandstanding? Hehehe!

Mabilis din umilalim este isina-ilalim pala sa ‘restricted custody’ ang 16 members ng SWAT team ng Southern Police District tungkol sa ‘bloody’ demolition na ikinukuento ng mga kuwago ng ORA MISMO sa itaas.

Disarmado ang mga SWAT na kasama sa riot dahil under investigation sila kung may mga pagkakamali silang nagawa.

Sabi nga, patay sila!

Sabi ng PNP higher headquarters dehins sa foolish cops este pulisya pala nagsimula ang riot sa mga pumalag na squatter.

Sabi nga, turuan blues!

Ayon sa information nagkasakitan at napikon ang pulisya ng makita nilang winawasak ng mga pumalag na squater ang kanilang kagamitan katulad ng isang NCRPO police truck dahil binasag ang windshield nito, binato ng molotov bomb ang police car at siempre huwag natin kalimutan warat din ang mga salamin ng media vehicle na sasakyan ng GMA News 7 at ng ABC 5.

Sabi nga, sayang!

SA panig ng CHR at DILG siempre police ang umabuso dahil sa mga nakitang panggugulpi at pamamaril sa mga nagwalang squatter.

Ang masama pa nito nananahimik si P. Noy sa Malacañang pero siya ang pinagbalingan ng galit ng mga militanteng maralita kaya naman sinugod ang ancestral haybol nila sa Times St., sa Quezon City, bitbit ang coffee este mali ‘coffin’ pala bilang protest sa maahas este marahas na demolition sa Severino compound.

Isinisi kay P. Noy ang kawalan pagmalasakit nito sa mga mahihirap dahil ang interes daw ng mga negosiante ang siyang inaatupag ng gobierno niya.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

Show comments