^

PSN Opinyon

Corn starch o baking soda: Mabisang first-aid

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

KAIBIGAN, may good news ako. Ang ordinaryong corn starch o baking soda na mabibili sa mga supermarkets ay mabisang solusyon sa maraming problema sa katawan.

Corn Starch:

• Ang corn starch ay galing sa dinurog na mais. Sa pagkain, ginagamit ito bilang harina para lumapot ang sarsa. Pero may mga gamit din ito sa ating kalusugan:

Corn starch sa diaper rash. Ang singit ng beybi ay madalas magkaroon ng rashes at pamumula. Gamitin ang corn starch na parang baby powder at ipahid sa singit. Puwede din paliguan si beybi sa tubig na may corn starch. Ihalo ang ¼ tasa ng corn starch sa bawat galon ng tubig.

• Corn starch bilang deodorant. Maghalo ng 50% corn starch at 50% baking soda. Gamitin ito parang deodorant sa kili-kili. Bago lagyan ng corn starch, linisin muna ng 70% rubbing alcohol ang kili-kili para matanggal ang bacteria. Tanggal ang anghit.

Baking soda o corn starch:

Ang baking soda naman ay tinatawag na sodium bicarbonate. Isa itong alkaline substance na kumokontra sa mga acidic na kemikal.

Mas maraming gamit ang baking soda kaysa sa corn starch. Ang baking soda ay puwedeng gamitin bilang toothpaste, mouthwash, para sa sakit sa balat, para sa buhok, sunburn, kalyo at panlinis ng mukha.

Kung walang baking soda, puwedeng ipalit ang corn starch sa mga situwasyong ito:

• Gamot sa bungang araw. Ihalo ang 1 kutsaritang corn starch (o baking soda o flour) sa 1 basong tubig. Lagyan ng yelo para malamig. Ipahid ito sa mga bungang araw.

• Gamot sa kagat ng insekto. Maghalo ng 3 kutsaritang corn starch (o baking soda) at 1 kutsaritang tubig para makagawa ng “cream.” Ipa­hid itong cream sa apektadong balat. Mababawa­san nito ang kati.

• Para sa sunburn. Pag­haluin ang 2 kutsarang corn starch (o baking soda) at 2 basong tubig. Ilubog ang tuwalya dito at itapal sa iyong sunburn. Puwede ka ring maglublub sa isang bathtub. Ihalo ang isang tasang corn starch (o ba-king soda) sa mainit na tubig sa bathtub. Magbabad ng 20-30 minutos para mabawasan ang kirot ng sunburn.

• Para sa buhok. Kung oily ang iyong buhok, puwedeng maglagay ng kon­ting corn starch sa buhok at suklayin ito.

• Para sa mabahong sapatos. Maglagay ng kon­ting corn starch (o baking soda) sa loob ng mabahong sapatos at rubber shoes. Maaabsorb nito ang pawis at amoy ng sapatos. Mas hindi rin tutubo ang mga fungus sa sapatos.

• Para sa alipunga (Ath­lete’s foot). Kung ika’y may alipunga, ibabad ang paa sa isang solusyon ng sukang puti at tubig. Maghalo ng 1 basong sukang puti at 1 basong tubig. Ibabad ang paa ng 15 minutos, 2 beses sa mag­hapon. Pagkatapos ay lagyan ng konting corn starch o baking soda ang pagitan ng daliri ng paa para hindi magpawis.

Mabibili ang corn starch at baking soda sa mga supermarkets. Mura lang ito!

BAKING

BULL

CORN

IHALO

MAGHALO

PARA

SODA

STARCH

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with