HINDI lang panahon ang umiinit kundi ang tinatawag na “political fever.” 2013 na kasi sa susunod na taon at aariba na ang senatorial polls.
Bukod kina reelectionist senators Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, Greg Honasan. Chiz Escudero, Koko Pimentel at Antonio Trillanes, mahigit na 20 iba pa ang pumupuntirya sa posisyon ng Senador.
Nandiyan sina dating Sen. Migz Zubiri, Dick Gordon, Jamby Madrigal, Rodolfo Biazon, Ernie Maceda at Kit Tatad. Umuugong din ang pangalan ni Rep. Jack Ponce Enrile, anak ni Senate President Juan Ponce Enrile at JV Ejercito, anak ni dating Presidente Estrada.
Pero alam niyo ba na may isang di masyadong sikat na TV personality na kaanak ni Presidente Noynoy na malamang masabak din sa karerang ito sa pagka-senador? Sino, si Kris Aquino? Hinde, sikat yun eh.
Ito’y si Bam Aquino o Paolo Benigno Aquino IV na napanood ko nang mag-host ng programa at magaling. Parang nakikita ko nga sa kanya ang batang “Ninoy” sa kanyang pananalita at mannerism. Matalino ang batang ito sa tingin ko.
Siya ang tagapagtaguyod ng proyektong “Hapinoy Community Store” na tumutulong sa pagpapalago ng mga sari-sari store sa mga komunidad. Ang proyekto ay pina-la-laganap sa ilalim ng social entrepreneurship program ng Micro Ventures, Inc. (MVI) na pinamumunuan ni Bam.
Siya ay pamangkin ni Ninoy at Tita Cory at ni dating Senador Agapito Butz Aquino. Ah, nasa dugo pala ang pulitika. Silent worker itong si Bam.
Marami nang mga local officials ang nakipag-ugnayan sa kanyang programang Hapinoy para paunlarin ang mga economic pro-jects sa mga komunidad na kanilang nasasaku-pan. Mula 2007, mahigit na sa 8-libo sari-sari stored ang naging kasapi nito sa pamamagitan ng pagsu-supply ng Hapinoy sa kanila ng mga kalakal na ititinda. Di katakataka na ginawaran ng United Nations ng UN Project Inspire Award ang programa na nahigitan pa ang may 400 social enterprise projects sa buong mundo.