^

PSN Opinyon

Direktor kuno!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

MULING nabuking ng BITAG ang modus na panloloko at pagpapaasa sa mga kabataang ang hangad ay ma-ging artista.

Marami ang nagnanais na mapanood sa telebisyon dahil sa kanilang angking talento para makilala at ha-ngaan tulad ng kanilang mga iniidolo.

Ang iba, sa sobrang pagka-desperado, pinapatulan ang anumang klaseng pamamaraan maging artista lamang.

Pero ito rin ang pagkakataon para sa mga manggagan­tso na isagawa ang kanilang modus at makapambiktima ng mga taong naghahangad na sumikat din balang araw.

Isang ginang ang lumapit sa BITAG para isiwalat ang panlolokong naranasan sa kamay ng umano’y Direktor na si Noel Evangelista.

Kwento ng ginang, nang minsang ipasyal niya ang kaniyang anak sa isang kilalang mall sa Taguig, isang babaeng nagpakilalang talent scout ang lumapit sa kanila.

Dahil sa tamis ng pananalita ng talent scout, nakumbinsi ang nagrereklamong ginang na pag-artistahin sa tulong ni Direk Noel ang kaniyang anak.

Pero bago magsimula ng career sa showbiz ang bata, kinakailangan daw muna niyang mag-enroll sa workshop na nagkakahalaga ng labintatlong libong piso.

Sa kabila ng malaking halagang kailangang bayaran, pinursigi ng ginang ang pangarap ng anak.

Taong 2009 nang naging paksa noon sa isang segment ng BITAG ang gawaing ito ni Direk.

Estilo niya ang mag-recruit ng mga kabataan para pagkakitaan sa pamamagitan ng pagsingil ng malaking halaga sa mga workshop at iba pang dokumentong kakailanganin daw ng bata sa oras na magsimula na ito sa pag-aartista.Subalit lingid sa kaalaman ng mga umaasang magulang, wala ring patutunguhan ang mga pakulo ni Direk.

Dahil kapag natapos na ang panahon ng pagwo- workshop, sila-sila lang din ang makakapano-od at makakasaksi sa talento ng kani-kanilang mga anak.

Ang siste, ang mga ibinibidang hinawakang programa ng nagpapakilalang Direktor, lahat paso na.

Kaya naman laking pagkadismaya ng nag­rereklamong ginang nang madiskubreng dati na palang nahulog sa BITAG ang inirerek­lamong si Direk Noel Evangelista.

Babala ng BITAG sa mga magulang at kaba­taang nagnanais na ma­ging bahagi ng show busi­ness, mag-ingat sa mga nagpapakilalang talent scout na naglalako ng kanilang serbisyo.

Mas mabuting sigu­raduhin muna ang back­ground ng nagpapakila-lang talent scout at kung lehitimo ang pagsasagawa nito ng workshop.

Kuwidaw ka! Kung ayaw mong mauwi sa wala ang pangarap na inaa- sam para sa iyong anak.

vuukle comment

BABALA

DAHIL

DIREK

DIREK NOEL

DIREK NOEL EVANGELISTA

DIREKTOR

NOEL EVANGELISTA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with