^

PSN Opinyon

Magtimpi pero huwag makakalimot

Panaginip Lang -

NOONG ako ay bata pa, laging pinaaalala ng aking ina ang kaapihang inabot ng pamilya namin sa ilang kamag-anak na mayayaman at makapangyarihan. 

Sinasabi niya sa aming magkakapatid na magtimpi kami at huwag ipakita ang galit. Itago namin ang emosyon at kimkimin ang nagpupuyos na damdamin. 

Kaysa galit, ang bilin ni Mama at Papa ay magsikap kami, mag-aral na mabuti at darating ang panahon, aahon kami para hindi na kami api-apihin at pagtawanan ng mga makakapangyarihan at mayayamang kamag-anak na ang panginoon ay ang kanilang salapi at iba pang yaman. 

Sinunod ho namin ito at bagama’t hindi ho ako maituturing na mayaman ay nasa estado ngayon na hindi na puwedeng bastusin at apihin. Kaya ko nang lumaban, ganundin ang aking mga kapatid na pinagmama-laki kong maaayos na ang buhay dahil sa pagsisikap at pagtitipid. Of course kasama ho riyan ang patuloy na-ming pananampalataya sa Panginoon at ang pagiging matapat sa mga tunay na kaibigan na siyang tumulong sa unti-unti naming pag-ahon. 

Ganyan ho sana ang gawin natin bilang isang bansa. Tandaan natin, taon na tayong inaapi at niyuyurakan ng iba’t ibang bansa. Kasama riyan ang Kastila, Amerikano, Hapones, pati mga kapitbansa natin at ngayon ng China. Pero ayaw nating magkaisa at gamitin ang kaapihan bilang puhunan para magsikap at umunlad. 

* * *

Belated happy birthday kay dating President Joseph “Erap” Estrada na nag-celebrate ng kanyang kaarawan nuong April 19 at ganundin kay San Juan Mayor “Tita” Guia Gomez na nagdiwang naman ng kanyang kaarawan noong April 20. 

Panalangin ko hindi lang dumami ang kaara­wan n’yo kundi patuloy ka-yong be in the best of health. 

* * *

Para sa anumang re­aksyon o suhestiyon   text e mail sa [email protected]

AMERIKANO

ERAP

GANYAN

GUIA GOMEZ

HAPONES

ITAGO

KASAMA

PRESIDENT JOSEPH

SAN JUAN MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with