HULOG sa BITAG ang modus ng mga ahente na nag-aalok ng ibinebenta nilang produkto sa isang kilalang mall sa Malate, Maynila.
Pangunahing target na biktima ng mga dorobong ito ang mga probinsiyano, seaman at OFW.
Sa loob at labas ng mall nakaposte ang mga ahente ng Arson na ibinibida ang mga promo, pa-premyo at free items ng kanilang pinagtatrabahuhang appliance centre.
Kapag kumagat na sa pain ng mga kolokoy ang prospect victim, dadalhin na nila ito sa kanilang opisina para ipakita naman ang kanilang mga top of the line appliances.
Matapos makapagsagawa ng demonstrasyon sa mga appliances na ibinebenta, aalukin na nila ang kanilang mga kostumer ng mga produkto.
Estilo ng mga ahente ng Arson’s Appliance Centre na huwag paalisin ang mga kostumer hangga’t wala itong nabibiling produkto sa kanila.
Lumapit sa BITAG ang isa sa mga biktima ng Arson na si Jonathan, sumbong niya, nang tumanggi siyang bumili ng produkto, napapaniwala raw siya ng ahente na nanalo siya sa kanilang pa-contest.
Para kumpirmahin daw ang kanyang identification garapalan na nilang hiningi ang ATM card ng biktima.
Laking gulat na lamang ni Jonathan, nang matapos siyang manalo daw ng iba’t ibang appliances, pati ang laman ng kaniyang ATM card, nasimot!
Umabot sa mahigit P50,000 ang nawala sa kanyang ATM card, hala-gang katumbas ng umano’y mga napanalunang appliances.
Kaya naman kilos prontong umak-siyon ang BITAG kasama ang mga Business Permit and Liscencing Office ng Manila City Hall at Manila Police District Task Force CHAPA upang matigil na ang panloloko ng mga dorobong ahente ng Arson’s Appliance Centre.
Panoorin sa BITAG ang aming kumprontasyon ng mga dorobong ahente at empleyado ng Arson’s Appliance Centre.
Abangan ngayong darating na Biyernes ang BITAG sa TV 5 pagkatapos ng Pilipinas News.