^

PSN Opinyon

Rock Star of public service

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

THE highest ranking lawyer in officialdom. Ang titulong ito ay hindi hawak ni Chief Justice Renato Corona bagamat siya ang highest ranking lawyer sa Judicial Branch. Hindi rin ito naigawad kay Senate President Juan Ponce Enrile kahit pa siya ang highest ranked lawyer sa Legislative Branch, higit kay Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na abogado din. Ang highest ranked lawyer sa gobyerno ay nasa Executive Branch. Hindi si P-Noy (ekonomista) at hindi rin si Exec. Sec. Paquito Ochoa. Ang title holder ay walang iba kung hindi si Vice President Jejomar C. Binay.

Sa buong archipelago ay tinitingala ng abogado si Binay­. Sa katotohanan ay pinaunlakan na niya hindi lamang ang national convention ng Integrated Bar of the Philippines, kung hindi pati na rin ang national convention ng iba pang malalaking samahan ng abogado gaya ng Philippine Association­ of Law Schools. Ang kanyang talino at kasipagan, at higit sa lahat ang kanyang kalinga para sa mahirap at naaapi, ay hinubog ng kanyang matagal na karanasan bilang human rights lawyer at may malalaking kinalaman sa kanyang kasalukuyang tagumpay bilang pinaka-hinahangaan at pinagkakatiwalaang opisyal sa Pilipinas.

Nasa kasaysayan daw natin ang pagkakaroon ng Vice President na mas sikat sa mismong President. Ang alam ko ay nag-umpisa lamang ito nung si Erap ang naging VP ni FVR (1992). Nang si GMA ang nag-VP kay Erap (1998), naging landslide lang ang panalo nito dahil hindi gaano kalakas ang kalaban. Si VP Noli de Castro ay, tulad ni Erap kay FVR, higit na sikat sa kanyang President na si GMA (2004).

Ang kaibahan ni Binay sa kanila ay nag-umpisa siyang halos hindi kilala at kulelat sa lahat ng mga aspirante. Nang siya’y tumakbo bilang VP, nasa 5% lang yata ang rating sa umpisa subalit nang manalo ay umabot sa 45% ang kanyang rating. Fast forward sa 2012 kung saan nakilala na ng husto ng lipunan ang kanyang kalibre bilang opisyal. Ang kanyang net satisfaction rating sa mga survey ay pumapalong line of 70s.

Ang sabi nila’y rock star ng impeachment sina JPE at Cuevas. Impeachment lang yon. Si Binay, rock star ng kabuuhang public service.

VICE PRESIDENT JEJOMAR­ BINAY GRADE: UNA

BINAY

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

ERAP

EXECUTIVE BRANCH

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JUDICIAL BRANCH

KANYANG

LAW SCHOOLS

LEGISLATIVE BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with