^

PSN Opinyon

Kalayaan Islands gawing pangturista

SAPOL - Jarius Bondoc -

Sa tagisan ng lakas o talino ng tao, inaalam at sinasamantala ang kahinaan ng katunggali. Gayundin sa giyera o girian ng mga bansa: kung ano ang ayaw ng kaaway, ‘yon ang dapat gawin at ukilkilin upang inisin siya at lumitaw ang kahinaan niya.

Sa balak ng Pilipinas na gawing tourist resort ang Pag-asa Island sa Kalayaan, bahagi ng pinag-aawayang Spratly Islands pero munisipyo ng Palawan, uma-ngal agad ang Tsina. At lalo pang bumula ang bibig nito nang magpahaging ang Malacañang na makipag-joint patrol sa Vietnam ng Spratlys. A, gan’un pala ha, ayaw ng Tsina ang dalawang ideya; e di ‘yun ang gawin natin.

Inaangkin ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Brunei ang buo o bahagi ng 200 isla, bahura, sandbar at bato sa Spratlys. May mga ilang okupado sila rito, pero hindi nag-aaway dahil lahat kasapi ng ASEAN. Gumugulo dahil nakikiangkin ang Tsina at ang Taiwan na nagsasariling probinsiya nito, ang buong Spratlys. Ganid ang Tsina. Inaasam nito ang langis at gas sa ilalim ng dagat, pati na rin ang minerals at pagkaing isda. At dinadaan nito ang usapin hindi sa pakikipag-kaibigan kundi sa lakas ng navy. Meron kasi siyang 75 pandigmang barko at 50 submarines, hindi pa kabilang ang mas maliliit na armadong sasakyang dagat.

Kung gawing tourist resort ang Pag-asa Island, madadagdagan ang 81 adults na nakatira rito. Kung mag-joint patrols din sa Vietnam, mapoprotektahan ang kalikasan at seguridad ng mga islang okupado ng dalawang bansa. Hindi basta makakagamit ng dahas militar ang Tsina, dahil mapapahiya sa buong mundo. Mapipilitan siyang maki-pag-usap sa ASEAN -- makipag-diplomasya ika nga. At mula ru’n ay mapapag-usapan na nang matino ang salu-salong paggamit sa yaman ng Spratlys.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

vuukle comment

BRUNEI

GANID

GAYUNDIN

GUMUGULO

INAANGKIN

PAG

PILIPINAS

SPRATLY ISLANDS

SPRATLYS

TSINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with